Alden Richards, tinanggal sa international movie ni Max Collins

ADVERTISING

Alden Richards, tinanggal sa international movie ni Max Collins

Alden-RichardsSalamat sa mga executive ng GMA 7 na sina Lilibeth Resonable, Marivin Arayata, Bang Arespacochaga, at sa buong cast ng Bubble Gang sa pagtanggap sa grupo ng PMPC na nagka-carolling last Monday sa taping ng BG sa Studio 7, Annex Bldg. ng GMA.

Bago nagsimula ang taping at carolling ng samahan, nakausap namin si Max Collins habang naghihintay siya ng kanyang take sa taping ng BG. Ayon kay Max, natuloy na rin ang shooting niya para sa international movie na “Remembering Ada” na “Footprints On The Moon” na ngayon ang title.

Last year daw nang i-announce ang project na ito ay si Alden Richards ang leading man ni Max Collins, pero dahil sa super hectic ng schedule na ngayon ni Alden ay pinalitan na ito ng iba.

“Si Jess Mendoza na ang pumalit kay Alden Richards. Jess has been coming out na sa mga indie film. Sayang nga because when the project was launched, si Alden ang nasa role as Franz Dimayuga. Siyempre ngayon iba na ang takbo ng career ni Alden. Sobrang busy na siya ngayon. I’m happy for Alden at sa mga natatanggap niyang blessings ngayon. Siguro nga, everything happens for a reason. Hindi lang siya siguro meant na matuloy sa movie na ito,” say pa ni Max na mas lalong gumanda at sumeseksi.

ADVERTISING

Sa kasalukuyan, napanonood si Max sa Bubble Gang every Friday at kasama rin siya sa Juan Tamad bilang leading lady ni Sef Cadayona.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING