Alden Richards, sinagot na ni Maine Mendoza

ADVERTISING
Maine Mendoza and Alden Richard
Maine Mendoza and Alden Richard

Eksaktong isang buwan nang may relasyon sina Alden Richards at Maine Mendoza. Ito ay kung pagbabasehan ang ‘scripted’ na guesting ng dalawa sa “Sunday Pinasaya” ng GMA Network sa segment na ‘Dos Lolos’ kahapon, April 3.

“Sinagot na po niya ako. Sinagot na niya ako, ‘Lo!” sabi ni Alden Richards sa kanyang Lolo Erning (Jose Manalo) nang puntahan niya ito pa sabihin ang magandang balita.

Dumagundong ang hiyawan ng fans sa studio at ng mga nanonood sa kanilang telebisyon nang marinig ang sinabing ito ni Alden.

Muli na namang umalingawngaw ang malakas na hiayawan ng fans nang dumating si Maine at ipakilala ni Alden sa kanyang lolo bilang, “Girlfriend ko po.”

Nang dumating naman si Lolo Berto (Buboy Garovillo), tinananong ang dalawa kung gaano na sila katagal. Si Maine an g sumagot: “Mga one month na rin po.”

ADVERTISING

Isang buwan na ang nakalilipas nang ipagdiwang ni Maine Mendoza ang kanyang ika-21 kaarawan, kung saan nagtungo pa sila ni Alden sa Boracay para sa birthday treat ng binata sa dalaga.

Hindi tuloy maiwasang isipin ng fans kung sa Boracay ba sinagot ni Maine si Alden, kahit pa sabihing ‘scripted’ ang mga linyang binitawan ng dalawa sa nasabing Sunday variety show.

Umani naman ng napakaraming mensahe sa social media ang nasabing eksena mula sa AlDub fans grabe ang pagkakilig at pagkatuwa.

By Parazzi Boy

ADVERTISING