Alden Richards, si Maine Mendoza raw ang pinakaespesyal na babae sa kanyang buhay

Alden Richards, si Maine Mendoza raw ang pinakaespesyal na babae sa kanyang buhayAyaw raw maging padalus-dalos at madaliin ni Alden Richards ang magiging commitment nila sa isa’t isa ng kanyang ka-love team na si Maine Mendoza.

Barely 8 months na ang kanilang tandem na nagsimula sa kalyeserye at habang tumatagal ay mas nagiging close at mas nakikila pa nila ang isa’t isa.

Ini-enjoy nga raw nila ang pagsasama nila ni Maine, at kung saka-sakali nga raw na magiging sila na, ang kanilang mga AlDubNatics ang unang makaaalam.

Sa ngayon daw, si Maine ang pinakaespesyal na babae sa kanyang buhay at napakasaya raw ni Alden Richards sa tuwing kasama niya ang magandang dalaga.

Mister-PhilippinesFinal Screening ng Mister Philippines 2016 sa March 20

Sa Sunday, March 20 sa Shangri-La Hotel and Resort magaganap ang final screening ng Mister Philippines 2016.

Nilibot ng Mister Philippines, Inc. ang buong Pilipinas para matagpuan ang susunod na Mister Philippines na ating magiging pambato sa mga sumusunod na international pageants: Men Universe Pageant sa Punta Cana, Dominican Republic (July 5-15, 2016); Mister Global sa Thailand (April 27 – May 6, 2016); Mister Global Teen 2016 (July 2016); at World Championships of Performing Arts for the Best Male Model of the World sa Long Beach, California, USA (Tentaive), kung saan big prizes ang naghihintay sa mga mananalo.
Ang Coronation Night ng Mister Philippines 2016 ay magaganap sa April 14 sa Tanghalang Pasigueño, City Hall Complex, Barangay San Nicolas, Pasig City. Kaya naman tinatawagan ang lahat ng kalalakihan na may edad 18 to 31, at least 5 feet and 9 inches tall, with pleasing personality, at Filipino citizen.

Magdala lamang ng original and photo copies of their birth certificate authenticated by the National Statistics Office, Philippine passport, hard and soft copies of their set cards, and swimwear. They must also come in white shirt and jeans/pants. Interested parties may call 0916.500.7455 or e-mail [email protected] para sa iba pang detalye.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleTeleserye ni Claudine Barretto sa Singko, iiklian na; cast na sakit sa ulo ng direktor, ‘papatayin’ na rin
Next articleJames Reid, ginawan ng kanta ang girlfriend na si Nadine Lustre

No posts to display