Alden Richards, ‘short but sweet’ ang birthday message kay Maine Mendoza

Alden Richards, 'short but sweet' ang birthday message kay Maine MendozaTuwang-tuwa ang AlDub fans sa tinawag nilang ‘short but sweet’ na birthday message ni Alden Richards para sa ka-love team na si Maine Mendoza na nagdiriwang ng kanyang ika-21 kaarawan ngayong araw, Huwebes, March 3.

Sabi ni Alden Richards kay Maine Mendoza sa kanyang tweet: “Stay strong. Kapit lang tayo.”

Nagpahayag naman ng pagsuporta sa dalawa ang kanilang mga fans sa pamamagitan ng Twitter.

Nag-post din sa social media ng kanilang pagbati para kay Maine ang ilang Dabarkads gaya nina Ruby Rodriguez, Pia Guanio, at Joey de Leon.

Maging sina Ai-Ai delas Alas at Christine Babao na nakasama ni Maine sa pelikulang “My Bebe Love” ay nagpahatid ng kanilang pagbati sa pamamagitan ng Instagram.

Sa “Eat Bulaga!” kanina, mensahe naman ni Alden kay Maine na i-enjoy lang ng dalaga ang araw na ito at huwag magpaapekto sa mga negatibong bagay.

Sa Sabado, March 5, magaganap ang “The Maine Event” sa kanilang noontime show, kung saan magkakaroon ng isang malaking birthday celebration si Maine. Ito ang kauna-unahang pagkakataon ni Maine na mag-celebrate ng kanyang birthday bilang silang showbiz personality.

By Parazzi Boy

Previous articleMaria Ozawa, ibinuking na na naka-one night stand si Cesar Montano
Next articleManok na pambayad sa school?

No posts to display