Alden Richards, sanay na sa kanyang bashers

ADVERTISING

Alden Richards, sanay na sa kanyang bashers

Alden Richards
Alden Richards

Hindi na lang daw pinapansin ng Pambansang Bae na si Alden Richards ang kanyang bashers na walang sawang tinitira siya.
Tsika nga nito, “Hindi naman po talaga maiiwasan, especially now po na talaga. The more na umaangat, the more na gumagawa nang mabuti, most of the times, meron at meron pa ring masasabi ang mga tao.
“Kaya nasanay na lang po ako, na parang nu’ng una po, parang medyo mahirap lunukin. Kasi ‘yung mga basher po, parang kilalang-kilala nila ako, kilalang kilala nila kami, kung papano nila kami pagsabihan ng kung anu-ano sa social media, sa kung anu-ano pong form of media.

“Pero parang hindi ko naman kawalan kung ano man po ‘yung sinasabi nila sa akin, tungkol sa mga post du’n or whatever.
“Kasi at the end of the daym ako pa rin naman po ‘to. Siguro po talaga, ‘yung mga taong mahal ko at ‘yung mga taong mahal ako, sila lang po ‘yung nakakikilala at nakaiintindi sa akin.”

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING