Alden Richards, sa halip na kaawaan, pinagtawanan sa pagkakadapa

ADVERTISING

Alden Richards, sa halip na kaawaan, pinagtawanan sa pagkakadapa

Alden-RichardsNAAWA KAMI at hindi natawa when we saw a video where it showed na nadapa si Alden Richards habang nakasampa sa kanyang likuran si Maine Something.

Ang daming natawa sa eksenang iyon including some hosts. Natawa rin ang audience sa katsipang eksenang iyon which was made to elicite kilig sa fans.

Naawa kami kay Alden dahil kahit na anong ka-cheap-an na ipagawa sa kanya ay kanyang ginagawa kesehodang maging katawa-tawa siya.

Teka, hindi ba’t nagtuturo daw ng good values ang show. Eh, bakit humagalpak sila ng tawa upon seeing Alden fell?

ADVERTISING

 

AS MUCH as possible ay ayaw nang pag-usapan ni Krista Miller si Cesar Montano.

“Marami akong problema ngayon, hindi para  isipin ko siya. Minahal ko siya kasi director ko siya. Si Cesar naman, talagang mabait naman siya talaga, hindi naman siya naging bad director naman. ‘Yung company naman niya ay masayahin,” sabi ni Krista nang tanungin siya about her past with Cesar sa presscon ng Kulay Abo Ang Madaling Araw, a play written and directed by Marlon Mente for Teatro Intramuros which will have its run November 27, 28 and 29, December 2, 3, 4, 8, 9, 10 and 11 at Raja Sulayman Theater at Fort Santiago, Intramuros.

Ipinaalala kay Kris na romantic love ang tinatanong sa kanya at hindi professional level.

“Romantic love? Bakit? Medyo madamot ako ngayon kasi sa love, eh. Ano ‘yon? Ayokong pag-usapan kasi parang ano na ‘yon, eh. Parang hindi siya natatapos, eh. Dapat ‘di ba ‘yung bago na ‘yung tinatanong? ‘Yung bagong asawa niya,” tugon ng sexy star.

As a first timer sa legitimate theatre, Krista will have some dramatic parts bilang  bilang si  Lucing na rape victim noong sinakop ng mga Hapon ang  Pilipinas.

“Sa totoo lang, naano ako sa iyak. Akala ko dati pang-comedy lang ako, paseksi-paseki, ma-shunga-shunga. Nag-start ‘yon sa Piring, eh,” say ng dalaga na nagsabing hindi niya inakala na bibigyan din siya ng dramatic moments sa play.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING