Alden Richards, puring-puri ng mga taong nakatatrabaho at nakasasama

Alden Richards, puring-puri ng mga taong nakatatrabaho at nakasasama

Alden Richards
Alden Richards

Puring-puri ni Direk Joey Reyes ang Kapuso actor at Pambansang Bae na si Alden Richards, ang other half ni Maine Mendoza sa Phenomenal Love Team na AlDub.
Ayon nga sa mahusay na direktor, sobrang bait at may mabuting puso ang tunay naman na mabait na actor. Bukod pa raw sa masarap itong katrabaho at walang kaarte-arte.
Hindi nga lang si Direk Joey ang nagsasabi ng sobra-sobrang kabaitan ni Alden, kundi maging ang mga nakatrabaho nito ay ganoon din ang sinasabi kapag natatanong patungkol kay Alden Richards.

Kung sa bagay, kami mismo ang makapagpapatunay kung gaano kabait at marespeto si Alden sa lahat ng taong nakasasalamuha niya.
Minsan nga, kahit pagod na pagod na ito at wala pang tulog ay makikita mo pa rin sa kanya ang matamis na ngiti at magandang pakikitungo sa mga taong bumabati at nakasasama niya.

John’s Point
by John Fontanilla