Alden Richards, pinagmumukhang cheap ng mga bading na dating humahawak sa kanya

ADVERTISING

Alden Richards, pinagmumukhang cheap ng mga bading na dating humahawak sa kanya

Alden Richards, pinagmumukhang cheap ng mga bading na dating humahawak sa kanyaSino ba ang nagha-handle talaga ng showbiz career ni Alden Richards? Ang GMA Artists Center ba o ang mga beki ng nakaraan niya bago siya nakilala bilang isang Alden Richards, na mula nang maging kapartner ni Maine Mendoza ay naging dahilan ng kanyang pagsikat sa showbiz?

Kamailan lang, sa pagse-surf namin sa Facebook, kung sinu-sinong mga “The Who”, na sometimes their names ring a bell na mga managers or discoverers daw ng mga kalalakihan at kababaihan na rumapampa at rampador sa mga bikini-open competitions, na ngayon ay nagbebenta sa serbisyo (the legal service) of an Alden Richards.

Parang wala kasing control ang GMA Artist Center kung papaano imina-market si Alden, reason na it cheapens Alden’s career and image (kung meron man).

Ang mga bekis ay nag-o-offer ng serbisyo ni Alden para kumanta sa isang show, piyesta, ribbon cutting ng isang parlor, etsetera, etsetera, etsetera…

ADVERTISING

Sayang kasi dahil hindi lahat ng mga nagangarap na maging artistat at sumikat ay maabot ang estado ngayon ng binata, na sa isang iglap lang ay napasakanya ang milyones na hinatag ng mga TVC at endorsements na nasuwertehan nito ngayon na aminin man niya o hindi, bitbit siya ng pagiging sikat ng isang Maine Mendoza.

Sa FB ko rin nabasa na ang isang “booker cum agent” ng isang Alden na tila may pinaparinggan na he is legal dahil ang nagosyo niya bilang manager ng mga bikini open contestants ay may papeles from LGU’s claiming na huwag siyang mata-matahin ng kung sino.

May nakarating sa amin na balita na noong panahon na isa sa mga promising contestant si Alden sa Starstruck (ka-batch yata niya si Aljur Abrenica) ay na-pull out siya sa line-up ng mga pasok na sana sa top 15 male aspirants, na nang nalaman ang background ng binata bilang isang bikini open rampador, naging minus point ito sa kanya.

Sa FB ko rin nakita ang mga photos ng mga previous bikini open contest na sinalihan ni Alden, kung saan in his super skimpy bikini with matching angel wings, rumarampa ang binata sa iba’t ibang pa-contest na during that time ay hina-handle siya ng isang beki na ang pangalan skipped my memory, na ayon sa description ng isang male bikini showboyz talent manager, “Pa-girl ba ang itsura ng beks na long hair?”

Sa akin, oks lang kung saan man galing si Alden. It does not matter kung galing ma siya sa mga bikini open competitions. Basta ang mahalaga, kung ano man siya ngayon ay dapat marunong siyang mag-alaga.

Sa mga nangyayari ngayon, tila hindi nama-manage nang tama si Alden. Yes, sampu-sampera man ang mga TVC at endorsements, parang waley. Madali siyang mauupos kung ang pa-cute niya at dimples lang magpahanggang ngayon ang bala niya sa showbiz.

Until now, wala akong nakikitang progreso sa pag-arte niya. Sa katunayan, nalampasan pa siya ng mga nasa kuwadra ng GMA Kapuso Network sa galing tulad ni Ruru Madrid.

Alden, level-up na.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING