Alden Richards, pahinga muna sa kalyeserye

ADVERTISING

Alden Richards, pahinga muna sa kalyeserye

Alden-RichardsHINDI NA pala makikita muna si Alden Richards sa kanyang kalyeserye segment dahil pinagpahinga siya muna ng management ng noontime show.

ADVERTISING

Siguro ay natakot sila sa pag-mob kay Alden dahil dinumog ito ng maraming fans at nasaktan ang binate. Walang foresight ang taga-noontime show. Hindi nila nakita na kulang ang security nila, na hindi kakayanin ng bodyguards ang sandamakmak na fans na nagkagulo nang makita si Alden. Nagmistulang inutil ang bodyguards dahil hindi nila kaagad napigilan ang pagkakagulo ng fans. Ayun, nasaktan tuloy si Alden dahil sa inefficient marshals.

Actually, natakot din siguro ang taga-noontime show dahil sila ang sinisisi sa pagkakasakit lately ni Alden. Everyday ang exposure ng actor sa show at meron pa siyang ibang commitments in between kaya naman bumibigay na ang katawang lupa ng binata.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING
ADVERTISING