Alden Richards, ninakawan ng halik si Maine Mendoza

screen grab from Eat Bulaga
screen grab from Eat Bulaga

Nagulat si Maine Mendoza nang bigla siyang halikan sa pisngi ni Alden Richards sa “Eat… Bulaga!” kahapon, February 4.

Hinabol niya ang tinawag na “magnanakaw” na si Alden Richards at hinubad pa ang isang sapatos na kunwari’y ibabato sa tumatakas na ka-love team sa kalyerseye ng noontime show.

Gumamit ng hashtag na #ALDUB29thWeeksary ang programa, kung saan sinabi ni Alden bago matapos ang ang show na,”May hinanda kaming surpresa para sa mga Dabarkads.”

Sabi ni Alden sa audience, “May mga pipiliian kaming Dabarkads na bibigyan ng paper bag.”
“Lagi naming sinasabi, maraming-maraming salamat sa pagmamahal na binibigay n’yo sa amin ni Maine,” sabi pa nito. “Pati sa mga lola, at siyempre po sa mga Dabarkads at buong Aldub Nation sa buong mundo, Happy weeksary!”

Nagpasalamat din si Maine Mendoza at sinabing, “Hanggang ngayon po, napatunayan n’yo sa amin na walang iwanan. Happy weeksary!”

“Sana po alam n’yo po na mahal namin kayo ni Alden. Kaya Aldub you all po!” sabi pa nito.

Nag-react naman sa Twitter ang mga taga-EB at maging ang kapatid ni Maine sa naganap na eksena.

Ani @nicoletteannmc, “Magnanakaw si alden! Ng halik! Waaahh!!! #ALDUB29thWeeksary”

Dagdag pa nito, “Minsan talaga nakakalimutan kong kapatid ko si meng eh. Nkkklg talaga sila oy!! #ALDUB29thWeeksary”

Sabi naman ni @AngPoetNyo (Joey de Leon), “Di NAKAW yung kiss knina  ni Alden dahil maraming nakakakita. Tawag duy NAKAWALA dahil matagal nang pinigilan!”

Ayon naman kay @rodriguezruby, “Tsk tsk @aldenrichards02 ang bilis mo bata!! Akalain mo nakaw-nakaw ka agad ng tuka kay @mainedcm. Ayan napingot tuloy kita at ang naughty mo”

By Parazzi Boy