Alden Richards, nasaktan sa pagdumog ng fans

ADVERTISING

Alden Richards, nasaktan sa pagdumog ng fans

Alden-RichardsNASAKTAN DAW si Alden Richards when his fans mobbed him during one segment sa noontime show ng Siyete. Dahil nasa kalye na si Alden, hindi na-control ng security ang crowd kaya naman dinumog ang actor. Walang nagawa ang marshalls nang pagkaguluhan ang actor, kulang kasi sila sa dami nang nagkagulo kay Alden.

ADVERTISING

Naku, epic fail pala ang security ng noontime show kung true ang chika.

Anyway, obvious na nagkakasakit na si Alden dahil sa everyday ang kanyang work. Halatang bumibigay na ang katawan nito at panay raw ang ubo.

“Yan ang sakit ng GMA, walang patawad sa artist nila. Pag may sikat talang walang Pahinga. Katulad na lang sa panahon ni Angel and Marian,” comment ng isang guy.

ADVERTISING

“yes, he is striking while the iron is hot but working 7 days a week……eventually, his body will give,” paniwala naman ng isa pa.

“GMA sana bigyan nyo naman si Alden ng 1-2 days na Eat Bulaga lang ang sched for the day para maka-rest sya kahit paano. Tao sya hindi kalabaw o robot,” tila panawagan ng isan fan.

Ang manager naman ng actor ang tinarayan ng isang nag-comment na, “it’s d responsibility of alden’s manager, or any manager of any artista, to make sure that d talent will be able to rest pa rin. it’s good 2b sikat with a lot of projects, just be sure ur healthy pa rin. health is wealth.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING