Alden Richards, nakatikim sa isang ‘maganda lang’ na aktres

ADVERTISING

Alden Richards, nakatikim sa isang ‘maganda lang’ na aktres

Alden-RichardsAT A recent event…

Reporter: Alden (Richards), sino pa ang gusto mong maka-partner sa mga susunod mong projects?

Alden: si Ms. Heart Evangelista po.

Fast forward. Sa isang hiwalay na pagkakataon, nagkita si Alden at isang aktres na kaalitan ni Heart. Nakarating pala sa aktres ang isinagot ni Alden sa nagtanong na reporter.

ADVERTISING

Dayalog daw ng aktres kay Alden, “Ikaw talaga, huh! Ikakasal na lang ako, binibigyan mo pa ‘ko ng problema!”

Teka, nagsama na si Alden at ng aktres na ‘yon sa isang soap na hindi naman nag-rate, ‘di ba? At napakaliwanag ng tanong: sino pa?

Maganda ka lang, ‘Day!

 

TULAD NG masayang atmosphere sa mga humahabol pa sa sementeryo ngayong araw, punum-puno rin ng kasiyahan ang episode ngayong Linggo ng Ismol Family.

Paano kasi, dumating na si Majay from Dubai, and she returns heavy with a child kaya aligaga ang buong pamilya most specially her better half Jingo. But there’s a twist dahil madaragdagan ang gulo as Majay is surrounded by Mama A, Bobong, Bernie, Natalia at Lance.

Sakit na naman ‘yon ng ulo ng padre de familia.

Samantala, darating din ang ex-girlfriend ni Bobong na si Angge na ikakasal na. Dahil she’s now being pursued by Bobong, will wedding bells ring o may magtatangkang mag-suicide?

Sobrang cool ang drama ng ating coopad episode. Back in the 60’s kasi ang flavor nito.

Abangan ang Ismol Family ngayong  Sunday, 6:45 p.m.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING