Alden Richards, nakare-relate sa contestants ng talent show

ADVERTISING

Alden Richards, nakare-relate sa contestants ng talent show

Alden-RichardsMARAMI RAW natututunan si Alden Richards sa audition ng Bet ng Bayan. Dito raw niya nalalaman ang iba’t ibang kuwento ng buhay mga nag-o-audition na talaga naman daw very inspiring at kapupulutan ng aral.

ADVERTISING

“Marami akong magagandang experience sa mga araw na nandoon ako sa audition para sa Bet ng Bayan. Nakare-relate ako sa kanila kasi pinagdaanan ko rin ‘yun. Katulad nila, sa contest din ako galing bago ako nag-showbiz at nakilala, sumasali-sali ako noon sa mga pageant sa Laguna. Kaya nararamdaman ko ‘yung pressure sa bawat contestant na nag-o-audition sa Bet ng Bayan, dahil nadaanan ko rin ‘yun.

“Naranasan ko ring ma-depress evertyime na nari-reject ako. Ang kagandahan nito, naging puhunan ko siya o inspirasyon para galingan ko pa kung ano man ang gagawin ko para makuha ko ‘yung gusto ko at sa tingin ko naman nagawa ko sa magagandang nangyayari sa career ko.

“At may mga sumasali nga sa Bet ng Bayan ang nakakausap ko at dito ko nalalaman ‘yung rason kung bakit gusto nilang sumali, ‘yung hirap na pinagdaanaan nila para makapag-audition lang. Sa mga stories nila, marami akong nakukuhang aral at nagiging inspirasyon sa akin kung bakit kailangan kong mas pagbutihin pa ang trabaho ko.

ADVERTISING

“At minsan ibinabahagi ko rin sa kanila ‘yung experience ko kung papano ako nagsimula sa showbiz at kung gaano karaming rejections ang nakuha ko nu’ng nagsisimula ako at kung papano ako lumaban para sa pangarap ko. Para nang sa ganu’n, magsilbing inspirasyon din sa kanila ‘yung na experience ko para magpatuloy sila sa kanilang pangarap hanggang sa maabot nila ito,” pagtatapos ni Alden.

 

Gloc 9, may bagong kantang pasisikatin

AFTER HIT songs like Sirena at Magda, meron na namang bagong awitin ang PMPC 6th Star Awards for Music 2014 winner sa tatlong kategorya (Rap Artist/ Album of the Year at Album of the Year) na si Gloc 9 at ito raw ay ang awiting ‘Businessman’.
Ayon kay Gloc 9, katulad ng kanyang ibang mga kanta, kapupulutan din daw ng aral ang ‘Businessman’ ng Pinoy music lovers na tumatangkilk ng kanyang musika.
Wish nga ni Gloc 9 na sana raw ay tangkilikin din ng mga Pinoy ang kanyang bagong awiting ‘Businessman’ katulad ng pagtangkilik ng mga ito sa kanyang mga hit songs na Sirena, Magda, atbp.

 

Monthy Finals ng SMAC TV Productions’ Sing For Your Dreams sa SM Novaliches, matagumpay

 

NAGING MATAGUMPAY ang katatapos na Monthy Finals ng SMAC Television Production’s “Sing For Your Dreams” na ginanap sa SM Novaliches hosted by UPGRADE member Casey “Kcee” Martinez kasama ang co-host nitong si Grey.

Pasok  sa Grand Finals si Gervic Dumalang, kung saan nakalaban nito sina Claudine JC Ejercito, at Reggie Navarozza. Habang naging espesyal na panauhin naman ang Way Up Boyband at ang Gawad Kabataan Ambassadors na sina Justin Lee at Jonathan Solis.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING