Alden Richards, nakararaos kahit walang girlfriend

Alden Richards, nakararaos kahit walang girlfriend

Alden-RichardsMATAGAL NA ring walang regular TV series si Alden Richards sa GMA 7. Bukod tanging sa Sunday All Stars lang siya napanonood at sa paminsan-minsang provincial shows. Sa Abril 1, go siya sa Vancouver, Canada para mag-show kasama sina Marian Rivera, Jonalyn Viray, atbp.

Habang wala pang regular show, inaayos niya ang blessing ng bagong bahay na nabili at hinihintay ang gagawing movie.

Wala raw problema kung si Louise delos Reyes at Empress Schuck ang makasama niya sa gagawing pelikula.

When asked kung nagkaroon ba siya ng problema sa pagbabakik ni Aljur Abrenica sa SAS, kaagad na sagot ni Alden ay walang-wala raw naging problema sa kanila at natutuwa raw siya sa pagbabalik ng dating kasamahan sa GMA 7.

Aminado si Alden na zero pa rin daw ang lovelife niya at kahit wala raw siyang karelasyon ay nakararaos din siya.

Natawa nga ito nang may magbiro na lagi na lang siyang self-service dahil sa matagal nang walang karelasyon.

“Mayroon naman. Nakasisingit naman po paminsan-minsan. Hahaha!” katuwiran ni Alden.

Max Collins, handang magpalaki ng boobs

Max-CollinsKAYA PALA pumayag na ring magpa-pictorial nang sexy si Max Collins para maging cover ng isang men’s magazine ay dahil gusto niya ng bagong challenges. Wala nga raw siyang ginawang preparation at nag-shoot na kaagad. May condition lang siya bago naganap ang seksi pictorial.

“They listened to me. Pinakinggan naman nila ang gusto ko. I want it more classic. Tsinek ko naman lahat ang damit na gagamitin. Ayoko ring magkaroon ng doubts, kasi alam ko na big step ‘yung gagawin ko. Makikita rin kung hindi ako comfortable. At that time, I guess I was ready talaga to be mature,” rason ni Max na lalong sumeksi nang mag-reduce.

Sabi pa ni Max, umiral daw sa kanya ‘yung, “Just do it! Go for it. Bahala na lang. Hahaha!”

When asked kung hindi pa niya inisip na magpalaki muna ng boobs (34 in size right now) bago siya sumalang sa seksi pictorial, “Wala na po akong time, kasi isang linggo lang ang preparation. Wala naman pong problema, payag naman ako, kaya lang malaki po ako sa screen so kapag nagpalagay ako, malaki po akong tingnan. Maliit lang puwede, pero hindi naman ganoon kalaki ang difference. Hindi ko alam kung makatutulong din sa akin. Baka magmukha akong malaki sa TV,” katuwiran ni Max.

Tahasan inamin din ni Max na okey lang magpalaki siya ng boobs at hindi siya natatakot magpadagdag.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo