Alden Richards, nakahanap na ng bagong ka-loveteam

ADVERTISING

Alden Richards, nakahanap na ng bagong ka-loveteam

Alden-RichardsPAMINSAN-MINSAN LANG ako noon nanonood ng Eat Bulaga kasi medyo nalulumaan ako sa kanilang mga pakulo. But these past few days, na-hook na ulit ako sa Eat Bulaga katulad ng maraming televiewers.

ADVERTISING

Sa simula pa lang ng programa ay kilig overload na kaagad ang hatid ng show sa kanilang That’s My Bae. Siyempre, type na type ng mga girlash at beki na panoorin ang mga nagguguwapuhang contestant na humahataw sa pagsasayaw.

Isa pa sa inaabangan ngayon ng televiewers ay ang “kalye serye” nina Alden Richards, Yaya Dub, at Lola Nidora (Wally Bayola). Humahagalpak talaga kami sa katatawa kapag sila na ang pinanonood. Dahil sa Eat Bulaga, nakahanap tuloy ng bagong ka-loveteam si Alden sa katauhan ni Yaya Dub. Ang husay-husay din ni Wally, huh!

Isa pang tinututukan din namin ay ang kanilang “Bulaga Pa More” kung saan iba-ibang pakontes like Aegis Pa More, Regine Pa More, etcetera, ang featured nila. Congratulations sa TAPE Incorporated at sa mga writers ng Eat Bulaga for coming up with these new segments.

ADVERTISING

In fairness din kay Alden, unti-unti nang nahahasa ang kanyang hosting skills. Ang guwapo-guwapo rin niya sa screen and I’m sure, marami ring televiewers ang kinikilig ‘pag nakikita siya. Pasok na rin si Alden sa PinaSaya, ang bagong Sunday variety show ng GMA na co-producer din ang TAPE.

Congratulations sa team ng Eat Bulaga. Keep up the good work! Alam na!

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING