Alden Richards, nagsisimula pa lang magpakita ng pruweba para ibangga kay Vice Ganda

ADVERTISING

Alden Richards, nagsisimula pa lang magpakita ng pruweba para ibangga kay Vice Ganda

Vice-Ganda-Alden-RichardsIPINAGKIKIBIT-BALIKAT LANG ngayon ni Vice Ganda ang mga nangyayari, na hindi lang naman siya ang parang kinakanti ng tungkol sa biglang pagsikat ng tambalang AlDub nina Alden Richards at Maine Mendoza mula sa patok ngayong kalyeserye ng Eat… Bulaga! ng GMA, kundi maging ang programang It’s Showtime! ng ABS-CBN na kanyang kinabibilangan. Hindi na bago para sa sikat na komedyante ang ibangga ang programa nila nina Anne Curtis at Vhong Navarro sa ibang programa. Pero mas lalong sanay na rin siya na kung sinU-sinong sumisikat na artista ang ibinabangga sa kanya.

ADVERTISING

Marunong tumanggap si Vice ng sitwasyon sa showbiz, na biglang mayroong sumisikat, magiging maingay at talagang pag-uusapan, ‘tulad nga kung paano ngayon naging maingay at pinag-uusapan at AlDub, lalo na si Alden na napakaamo ng appeal sa mga tao. Hindi sarado ang utak ni Vice sa ganito, dahil nangyari rin naman sa kanya ang kasikatang pinaghirapan niyang talaga. Kahit siya ay hindi makapaniwala noon, na sinasabi na ng mga tao na sikat na sikat na siya.

Wala namang nagbabago kay Vice. Sobrang busy pa rin siya sa dami ng kanyang trabaho. Walang masama sa kasikatan ngayon ni Alden, dahil katuwiran ni Vice ay mas maraming hinahangaan sa showbiz ay mas bongga ang saya. Nakaaawa nga lang, na parang sobra namang ibinabangga si Alden sa maraming sikat. Maging hamon sana ito sa kanya na patuloy pang magsikap ‘tulad ng kanyang nasimulan sa career niya. Dahil kung si Vice Ganda ang kanyang hahabulin, marami nang nagawang pelikula si VG na kumita sa takilya, samantalang si Alden ay nagsisimula pa lamang magpakita ng pruweba.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING