Alden Richards, nagkakasakit na sa kawalan ng pahinga

Alden Richards, nagkakasakit na sa kawalan ng pahinga

Alden-RichardsNAGKAKASAKIT NA raw si Alden Richards. Ang chika, madalas na raw itong inuubo. Palagi raw itong ubo nang ubo kapag nasa noontime show siya. Apparently, bumibigay na ang katawang lupa ni Alden.

Sa dami kasi ng trabaho niya, halos wala na siyang pahinga. Ikaw ba naman ang nasa TV seven days a week, hindi ka ba magkakasakit? May noontime show si Alden na Monday to Saturday. Then, kapag Sunday, meron pa siyang show kasama ang has-been actress at has-been comedienne.

Actually, parang pinapatay na si Alden ng mga producers niya, dahil araw-araw ang work niya. Wala na halos siyang pahinga. In between his TV shows kasi ay may mga raket pa on the side ang actor, may mall tour siya for his album, may mga shows, may provincial gigs. Lahat ng iyon ay talagang physically taxing.

That’s the price he has to pay for being the pinakasikat na actor.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas