Alden Richards, naging emosyonal at naiyak sa harap ng fans

ADVERTISING

Alden Richards, naging emosyonal at naiyak sa harap ng fans

Alden-RichardsNAGING EMOSYONAL at ‘di napigilang maiyak ng Pambansang Bae na si Alden Richards habang nagpapasalamat, dahil na rin sa dami ng AldubNation na pumunta sa SM North Edsa Cinema 11 para magkaroon ng album nitog “Wish I May” ng GMA Records.

Laman nga ng payahag ni Alden, “Sa family ko, love na love ko lahat ‘yan. Ma, I hope you’re happy. Thank you so much.”

Kasabay na lumuluha ni Alden ang kanyang libu-libong tagahanga na nasanay na rin daw umiyak sa tuwing luluha ang kanilang idolong si Alden.

More than 5k ang estimated na bilang ng mga taong nagtiyagang pumila para magkaroon ng album ng Pambansang Bae at makapagpalitrato sa kanilang Idolo.

ADVERTISING

Ang pagluha raw ni Alden ng araw na iyon ay dala ng labis labis niyang kasiyahan sa dami ng mga taong nagmamahal sa kanya lalung-lalo na ang AldubNation.

Kaya naman daw ngayon pa lang ay halos ma-sold out na ang tickets sa show nila ni Maine Mendoza aka Yaya Dub na mangyayari sa Sabado sa Philippine Arena na nagkakahalaga ng  P1,200 (Zone 1), P600 (Zone 2), P350 (Zone 3), at P150 (Zone 4).

At para sa isang makabuluhang proyekto ang show na ito nina Alden at Yaya Dub dahil ang 100% na kikitain nito ay ido-donate sa mga eskuwelahang nangangailangan ng tulong .

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING