Alden Richards, nag-share ng blessings sa entertainment press

ADVERTISING

Alden Richards, nag-share ng blessings sa entertainment press

Alden Richards
Alden Richards

Walang umuwing luhaan sa mga kapatid sa Panulat at lahat ay sobrang saya sa thanksgiving cum get-together ni Alden Richards para sa mga press people na ginanap last July 26, 2016 sa Le Reve Pool and Events Places sa QC.
Bukod sa dami ng give-aways na galing sa mga endorsement ni Alden, umulan ng cash sa raffle draw, kung saan 39 ang nanalo ng 1k, 30 ang 2k, 20 ang 5k, at 2 ang 10k, at 1 ang nanalo ng expensive Techno Marine Watch at isang home theater system.
Ayon nga kay Alden, ito raw ang kanyang way para pasalamatan ang mga press people na walang sawang sumusuporta sa kanya mula nang nagsisimula pa siya sa showbiz hanggang ngayong sikat na sikat na siya.
Marami nga ang press people na nagmamahal kay Alden Richards dahil sa status nito ngayon na isa sa pinakasikat na young actor sa bansa at nananatili pa rin itong mabait at humble at ‘di man lamang kakikitaan ng pagbabago.
Kaya naman inuulan ito ng blessings dahil na rin sa maganda nitong attitude at pagiging marespeto sa kanyang mga nakasasama, nakauusap, nakatatrabaho, at higit sa lahat sa maayos nitong pagtatrabaho.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING