Alden Richards, nabangga ang kotse

ADVERTISING
Alden Richards' Car
Alden Richards’ Car
Photo Collage Of Alden Richards' Damaged Car
Photo Collage Of Alden Richards’ Damaged Car
Alden Richard In The Gutter
Alden Richard In The Gutter

“Okay lang po ako!”

Ito ang tweet ni Alden Richards matapos na masangkot sa isang minor car accident noong Biyernes ng umaga, March 4.

Maraming fans sa social media ang nag-alala para sa binata nang lumabas ang nasabing balita. Ipinost pa ng ilan ang sasakyan ni Alden Richards na sira ang bumper sa harapan na tila ito ang bumangga sa sinusundang sasakyan.

May litrato rin si Alden na nakaupo sa may sidewalk matapos ang aksidente, at mukha umanong na-trauma sa pangyayari.

Sa Twitter post ng isang @ivnccjn: “So we’re on our way to Manila, tapos may banggaan sa harap. Car ni Alden pala, omg he looked traumatized umupo siya sa gutter.”

ADVERTISING

Nag-tweet naman din ang ama ni Alden na si Richard Faulkerson para tiyakin sa fans na nasa maayos na kalagayan ang anak. Anito, “Don’t worry guys…Just a light car accident. #thankyouLord”

Sa tweet naman ni Mark Sablan, GMA Artist Center Head of PR and Events, sinabi nito na hindi nasugatan si Alden, gayundin ang assistant ng aktor na si Tenten. Aniya sa tweet, “Thanks 4 the concern, guys. Happy 2 share that#AldenRichards is FINE after the car accident this AM. Si Mama TenTen din!#ALDUBRegaloNiLola”

Nagbigay na rin ng pahayag ang GMA Network kaugnay ng insidente sa pamamagitan ni GMA Vice President for Corporate Communications Angela Javier-Cruz: “Kapuso star Alden Richards figured in a minor vehicular accident this morning. We would like to assure his fans and his supporters that Alden is safe and doing well. Alden would like to thank everyone for praying for his safety.”

By Parazzi Boy

ADVERTISING