Alden Richards, na-miss si Yaya Dub habang nasa Japan

Alden Richards, na-miss si Yaya Dub habang nasa Japan

Alden-Richards “I’M BACK!” ‘Yan ang bungad ni Pambansang Bae Alden Richards nang dumating ito sa bansa matapos ang ginawang pagtatangahal sa Japan kasama sina Soul Diva Aicelle Santos at Comedy Queen Ai-Ai delas Alas.

Masaya si Alden dahil sold-out at talagang jampack daw ang New Pier Hall sa Tokyo, Japan na kung saan pinasaya nila ang mga Kapuso sa naturang bansa. Kaya naman dagdag niya, gusto niyang bumalik sa Japan.

“Sobrang nakatutuwa po, kasi ang lakas ng GMA sa Japan, sold out ang tickets, saka nag-enjoy ang lahat. Nagpapasalamat kami sa lahat ng ating Kapuso na nagpunta roon. Iba talaga ang Pinoy ‘pag nasa abroad.

“Napakaganda ng lugar… talagang isa ‘yun sa napakagagandang bansa na napuntahan ko. Kaya siguradong babalik ako doon,” pahayag ni Alden.

Ilang araw ring nanatili si Alden sa Japan, kaya naman, na-miss ba niya si Yaya Dub (Maine Mendoza)?

“Hindi lang siya kundi lahat ng Eat… Bulaga! Family ay nami-miss ko at mga fans ko na matagal ko nang ‘di nakikita. Pero ang purpose naman kaya kami nagpunta sa Japan ay para mapaligaya ang mga Kapuso nating Pinoy. Parang it’s a way of giving back to them kasi malayo sila sa bansa natin,” pagtatapos ni Alden.

John’s Point
by John Fontanilla