Alden Richards, more than 10 million ang offer para mag-concert sa Araneta

ADVERTISING

Alden Richards, more than 10 million ang offer para mag-concert sa Araneta

Alden-RichardsTUMATAGINGTING NA 10 million or more ang offer ng concert producer at former actor na si Joed Serrano sa Pambansang Bae na si Alden Ricards para sa posibleng konsiyerto nito na gaganapin sa Araneta Colesium.
Mas na engganyo nga raw si Joed na i-produced si Alden nang ma-meet nito sa Sunday Pinasaya, hindi nga raw nito naiwasang ma-Starstruck ng makita si Alden dahil isa siyang AlDub fan, bukod pa sa sobrang humble daw at mabait in person si Alden.
Sa ngayon daw, tsini-check pa ang availability ni Alden, dahil sa daming proyektong ginagawa nito mapa-telebisyon, pelikula, promo ng album, commercials, mall at provincial shows, at sa pagiging regular nito sa Eat… Bulaga! at Sunday Pinasaya.
Sana nga raw ay mag-materialize ang proyektong ito dahil if matutuloy ito, si Alden na raw ang pinakamahal na talent fee na kanyang binayaran.

Jolina-Magdangal-Mark-Escueta-PeleJolina Magdangal at Mark Escueta, hands on sa kanilang baby boy na si Pele Iñigo Escueta

HANDS ON dad daw ang drummer ng Rivermaya na si Mark Escueta sa kanilang anak ni Jolina Magdangal na si Pele Iñigo.
“‘Pag wala akong trabaho at meron si Jolina, ako ang nag-aalaga kay Pele. Bale bonding na rin naming mag-ama, nasa bahay lang kami,” saqbi ni Mark sa grand presscon ng Megasoft’s Super Twins Diaper’s “Pele Serye”, kung saan silang mag-anak ang kauna-unahang endorser.
Dagdag pa ni Mark, “Pero minsan sumasama kami ni Pele sa taping ni Jolina. Kapag ako naman ang may trabaho, si Jolina naman ang kasama ni Pele.”
Very thankful nga raw sina Mark at Jolina sa owner ng Megasoft Hygenic Products na sina Sir Emilio at Ma’am Aileen Go dahil ang pamilya niya ang kinuhang endorser ng diaper brand.
Ayon pa kay Mark, “Natuwa kami na pinagamit pa kay Pele ‘yung diaper at humingi sila ng feedback and suggestions in how to improve the product. Na-appreciate talaga namin ‘yun.
“Very happy kami sa quality ng Super Twins from the very beginning, kaya kampante kami na i-recommend sa ibang parents ‘yung products,” pagtatapos ni Mark.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING