Alden Richards, may mensahe sa mga bumabatikos sa kanila ni Maine Mendoza

ADVERTISING

Alden Richards, may mensahe sa mga bumabatikos sa kanila ni Maine Mendoza

Alden Richards & Maine Mendoza
Alden Richards & Maine Mendoza

“God bless na lang po!”

Ito ang naging pahayag ni Alden Richards sa mga taong walang sawang bumabatikos sa love team nila ni Maine Mendoza.
Wala naman daw siyang magagawa kung may mga taong hindi masaya sa tagumpay na tinatamasa nila ngayon ni Maine Mendoza.
Hindi na nga lang daw pinapansin ni Alden Richards ang mga ito, dahil ang mahalaga raw sa kanila ni Maine ay ang makapagpaligaya ng mga tao, lalung-lalo na ang mga taong sumusuporta sa kanila.
Kaya naman regalo nina Maine at Alden sa kanilang mga tagahanga, ang AlDub Nation, ang kanilang pelikulang “Imagine You & Me” na mapanonood na sa July 13, na kinunan ang karamihan sa mga eksena sa Italy.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING