Alden Richards, matagumpay ang firts solo concert sa Antipolo

Alden Richards, matagumpay ang firts solo concert sa AntipoloSobrang saya ng Pambansang Bae at other half ng Phenomenal Love Team na AlDub na si Alden Richards dahil blockbuster kung maituturing ang kanyang katatapos na first solo concert na ginanap sa Ynares Stadium sa Antipolo City last Friday, March 18.

90 percent daw at nag-uumapaw ang dami ng taong nanood sa concert ng Pambasang Bae na nag-enjoy nang husto sa mga inihandang awitin ni Alden Richards.

Ilan nga sa naging espesyal na panauhin ni Alden sa kanyang concert ay ang tinaguriang Pambansang Baby na si Boobsie Wonderland na talaga namang click na click sa mga manonood at magkakaroon din ng kanyang kauna-unahang solo comedy concert sa Kia Theater sa May 13.

Bukod kay Boobsie, naging panauhin din ni Alden sina Mike Tan, Migo Adecer, Andrea Torres, Kim Idol, at Ate Regs. Mula sa produksiyon ni Mr. Joed Serrano ng CCA Productions ang concert ni Alden.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleJake Cuenca, ‘di lang basta model sa bagong iniendorsong underwear
Next articlePaolo Ballesteros, 6 na buwang suspended sa “Eat Bulaga” dahil sa Facebook rant?

No posts to display