Alden Richards, marunong daw maghintay ng project at ‘di nagde-demand, ‘di tulad ni Aljur Abrenica

ADVERTISING

Alden Richards, marunong daw maghintay ng project at ‘di nagde-demand, ‘di tulad ni Aljur Abrenica

Alden-RichardsAMINADO SI Alden Richards na kabado siya sa pagiging co-host niya kay Regine Velasquez sa reality talent show na Bet ng Bayan.

“Kinabahan talaga ako dahil sanay na si Ms. Regine sa mga singing contest, atbp. Kasi po hindi naman siya ‘yung klase ng show na nasa loob lang kayo ng studio. Nasa labas po kami kaya kailangang ayusin ‘yung hosting skills. Hindi lang po kasi ‘yung pagho-host ng show ang gagawin ko. Pati yung lugar dapat may knowledge ka rin. Ang concern ko rito, sana po ay hindi ako magmukhang baguhan sa hosting kasi first time ko po kaya sana kargada po ako,” say ni Alden.

Matatandaang naging produkto rin kasi ng reality show si Alden, ang Starstrucks at Pinoy Big Brother, kaya alam na rin niya kung gaano kahirap ang mag-audition.

“Alam ko po kasi ang damdamin ng isang natanggal kaya ang sympathy ko sa mga contestant ay talagang alam ko ang nararamdaman. Nakatutuwa ‘yung ibang mga nag-audition. Minsan nahu-hook po ako sa ibang contestant sa kanilang buhay. Minsan nakalulungkot na hindi nakukuha. Kasi talagang may nangangailangan financially. Gusto nilang makapasok upang makatulong sa kanilang pamilya,” katuwiran ni Alden na iniintriga na sa dami ng project niya sa GMA 7 kaya nawawala nang tuluyan si Aljur Abrenica ng project sa network.

ADVERTISING

“Naku! Hindi po totoo ‘yan,” gulat na reaction kaagad ni Alden. “Kasi ako po, naghihintay. Marunong po akong maghintay. Hindi po nagdi-demand sa GMA. Nagsisimula pa lang po ako. Mas alam ng GMA kung ano ang ibibigay nilang project sa akin at hindi po ako namimili,” say pa ni Alden.

Kinumpirma rin ni Alden na si Mark Herras na ang makakasama niya sa Abel at Cain at hindi na si Aljur Abrenica.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING