Alden Richards at Maine Mendoza, walang maihaing bago sa kanilang love team

ADVERTISING

Alden Richards at Maine Mendoza, walang maihaing bago sa kanilang love team

Alden Richards at Maine Mendoza, walang maihaing bago sa kanilang love teamTila ang isang dating solid AlDub fan ay nagbago na rin sa kanyang pagkahumaling kina Alden Richards at Maine Mendoza.

ADVERTISING

Ang tinutukoy namin ay ang kaibigang Cristy Fermin na kahapon, Tuesday, sa kanyang radio program na CFM (Cristy FerMinute) na napakikingaan sa Radyo 5 ay napag-usapan nila ng co-host niyang si Richard Pinlac na tila lumalaylay ang tambalan ng dalawa.

“Dati, bago ako pumasok sa radyo, dadaan muna ako sa gallery (she owns Obra ni Nanay Art Gallery along Sct. Gandia na malapit sa St. Mary’s College in QC) para panoorin ang kalyeserye nila with Wally at Jose. Aliwi na aliw talaga ako sa dalawa.

“Pero parang nauyam na rin kasi ako. ‘Yong ini-expect ko na mag-level up na ang AlDub, parang ang tagal,” kuwento niya sa kanyang radio listeners.

ADVERTISING

Maging kami, personally, just before Christmas last year ay medyo maagang nagsawa dahil ang ginagawa ng dalawa na pa-cute at si Alden naman ay puro pa-effect lang ng kanyang dimples at si Maine, walang ginawa kundi mag-dubsmash at ngumiti na akala mo ay sintu-sinto; nagsawa ako.

Ang tagal ng waiting ko kung ano ang magyayari sa dalawa. Yes left and right ang mga TV Commercials nila which is good for both of them dahil kumikita sila, pero ang hinihintay ng mga fans nila, napagod na rin yata sa kahihintay kung ano man ang hihintayin nila.

Kaya nga ang supposed to be concert ni Alden with Jose and Wally last Saturday, February 20, na na-cancel dahil sa kakulangan ng ticket sales ay repleksyon lang ng biglaang pagbitaw ng mga fans kay Alden Richards.

May nagsasabi na sa tambalang AlDub ay si Maine ang nagdadala na rason para deadmahin ng AlDub fans ang concert ng binata dahil walang Maine sa casts.

Kung naalala pa ninyo, naisulat din namin kamakailan ang mga international fan groups nila ay bumitaw na sa suporta dahil ang matagal na hinihintay ng AlDub Nation (like teleserye ng dalawa at projects na kanilang-kanila talaga) ay tila suntok sa buwan. In short, waley na at isa na lang pangarap.

Ngayon pa na umeeksena ang guwapong si Derrick Monasterio sa dalaga (‘di ba nag-date ang dalawa sa Subic recently), na tipong may interest din naman si Maine sa binata ay patunay lang na ang Alden and Maine Mendoza love team ay pangkiliti lang talaga on television at walang katotohanan.

‘Yan naman kasi ang mahirap, ang mga fans nila hindi maipaghiwalay kung ano ang totoo at kung ano ang pasakay lang na sa tahasang salita ay “relasyong showbiz” lang talaga.

Ikaw, nagsasawa ka na rin ba sa AlDub na walang ipinagbago since magpakiliti sila sa libu-libo nilang mga fans sa Philippine Arena noon?

Ako, ayaw ko naman na araw-araw na lang, adobong manok ang ulam ko sa AlTangHap(almusal, tanghalian, at hapunan). For a change, gusto ko naman ng pinakbet, ginisang mongo, at kung puwedeng sinigang na bangus belly sa bayabas. Getz?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING