Alden Richards at Maine Mendoza, namimili ng award-giving body?

ADVERTISING

Alden Richards at Maine Mendoza, namimili ng award-giving body?

Alden Richards at Maine Mendoza, namimili ng award-giving body?Namimili raw ba nang dadaluhang award-giving body ang AlDub loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza?

Inisnab kasi nina Alden at Maine ang katatapos lang na Platinum Stallion Media Awards mula sa Trinity University of Asia.

Bale dalawa ang awards nina Alden Richards at Maine Mendoza, ang Best TV Advertisement (McDonald ) at Best Male/ Female Advertisers.

Dahil wala, tinanggap naman ito ng kanilang kasama sa “Eat… Bulaga!” na sina Ruby Rodriguez at Ryzza Mae Dizon.

ADVERTISING

Nanlumo tuloy ang mga estudyante ng naturang unibersidad na umasang tatanggapin nang personal ng dalawa ang kanilang awards.

Ang mga bumoto kasi sa mga ibinigay na parangal ay ang mga estudyante, mga professor, at mga staff ng nasabing unibersidad.

Naging mas masaya raw sana ang awards night kung dumating sina Alden at Maine.

Anyway, hindi lang naman sina Alden at Maine ang no-show sa nasabing awards night, kundi pati na rin ang ibang big stars.

Ginawaran din ng parangal ang kasamahan sa panulat na si Rey Pumaloy bilang Best Male Print Journalist para sa Abante.

Umabot sa 50 ang mga awards/categories na ipinagkaloob, kung saan humakot ng mas maraming awards ang ABS-CBN, kumpara sa mga katapat na network na GMA 7 at TV 5, kasama na rin dito ang Best TV Station.

Samantalang magmula raw nang pasukin ni Maine ang showbiz ay wala raw siyang naging manliligaw. Ever since naman daw bago niya pasukin ang showbiz ay wala na siyang manliligaw.

Ang pagiging magiliw raw nila sa isa’t isa ni Alden ay dahil naging super close na sila magmula nang mabuo ang AlDub.

Wala raw ligawang nangyayari sa kanila ni Alden, pero hindi rin raw niya masasabi kung ano ang magiging kapalaran nila sa hinaharap.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING