Alden Richards at Maine Mendoza, naispatang nag-date sa isang hotel

Naispatang magkasama sina Alden Richards at Maine Mendoza sa Hotel Sofitel matapos ang kanilang guesting sa Sunday Pinasaya kahapon, April 3.
Naispatang magkasama sina Alden Richards at Maine Mendoza sa Hotel Sofitel matapos ang kanilang guesting sa Sunday Pinasaya kahapon, April 3.

Naispatang magkasama sina Alden Richards at Maine Mendoza para sa isang late lunch date sa Spiral buffet restaurant sa Hotel Sofitel kahapon, April 3. Ito ay matapos nilang mag-guest sa “Sunday Pinasaya” ng GMA 7.

Kumakalat ngayon sa social media ang mga litratong magkasama ang dalawa sa nasabing hotel at mapapansing wala silang kasamang mga ‘rogelio’ o kung sinumang madalas nilang kasamang kaibigan. Sa isang kuha, kung naka-sideview ang dalawa, makikitang paalis na sila ng restaurant, habang sa isa pang litrato, pababa naman ng hagdanan ng hotel sina Alden Richards at Maine.

Kapansin-pansin din sa mga nasabing litrato ang mga suot na damit nina Alden at Maine Mendoza na siya ring suot ng dalawa sa nasabing Sunday noontime show.

By Parazzi Boy