Alden Richards at Maine Mendoza, mula Italy, maggagala muna sa Switzerland bago umuwi sa ‘Pinas

Maine Mendoza and Alden Richards with fan Kristina Amado in Italy (photo courtesy of Instagram: kristinaamado)
Maine Mendoza and Alden Richards with fan Kristina Amado in Italy (photo courtesy of Instagram: kristinaamado)

Maggagala pala muna sa Switzerland sina Alden Richards at Maine Mendoza bago umuwi sa bansa matapos ang shooting ng kanilang pelikula sa Italy.

Ito ang tila ibinuko ng isang fan sa kanyang Instagram account.

Sa Instagram ni @kristinaamado, tuwang-tuwa niyang ipinost ang litrato, kung saan kasama niya ang Phenomenal Love Team. Kuha ang nasabing litrato sa Lake Como, Italy.

Sa caption ni @kristinaamado: Look who I found here in Como (emoticon with sunglasses) Maine and Alden.. they’re so cute and sweet #aldub #aldubnation #ALDUB45thWeeksary #photooftheday #Como”

Tinanong naman si @kristinaamado ng isang @sarienteriza ng “Asa italy parin sila”, na sinagot naman ng una ng, “Ka aalis lang nila papuntang Switzerland mag gagala daw”

Tiyak namang katakot-takot na kilig moments photos and videos ng AlDub from Switzerland ang ibabahagi nila sa kanilang fans na nami-miss na rin ang kanilang pagbabalik sa kalye-serye ng “Eat… Bulaga!”.

By Parazzi Boy