Alden Richards at Maine Mendoza, malayo na rin ang narating ng mga kinita mula sa endorsements

ADVERTISING

Alden Richards at Maine Mendoza, malayo na rin ang narating ng mga kinita mula sa endorsements

Alden Richards & Maine Mendoza
Alden Richards & Maine Mendoza

Nice to learn na may kinalalagyan naman pala ang mga kinikita nina Alden Richards at Maine Mendoza sa sampu-samperang mga product endorsements nila. In short, sa mga TVC (television commercials), milyong-milyon ang inaakyat na pera at yaman sa dalawa.

Mula nang mag-click ang tambalan ng dalawa on television via “Eat… Bulaga!”’s kalye serye, tinanggap sila ng milyun-milyon nilang fans na ang tawag naman sa mga ito ay AlDub Nation na silang tagatangkilik naman ng mga produkto na iniendorso ng dalawa.

Kaya nga during the grand presscon, ang daming give-aways sa mga dumalo na press ang ipinauwi sa amin.

Mayroong fresh chicken, toyo, suka, sardinas, mga toothpaste, at kung anu-ano pa na nakatutuwa dahil ‘di mo na kailangang ma-grocery for almost a month.

ADVERTISING

Dahil sa mga endorsements nina Alden Richards at Maine, malayo na rin ang narating ng mga kinita nila.

Si Maine, may sariling franchise ng isang fastfood chain na inendorso nila ni Alden.

Ang binata naman, nairaos ang magandang bahay na ipinatayo niya sa may bandang South at sa katunayan, nakapagpatayo pa nga rin siya ng sariling restaurant.

Si Maine, nakabili ng kotse. Si Alden, ipinagmalaki niya ang British brand na “Jaguar” na nabili na mula sa kanyang kinita at pagpapakahirap.

Sa katunayan, ang magarang kotse na ito ang siyang gamit niya noong kasal nina Bossing Vic (Sotto) at Pauleen Luna.

It took Alden and Maine Mendoza (ALDUB) almost a year naman bago dumating ang malaking pagkakataon nila na magkaroon ng pelikula.

Dahil paniwala ni Mr. Tony Tuviera (of APT Films), panahon na para pasukin ng dalawa ang pelikula kaya hindi na ito nagdalawang-isip na i-produce ang “Imagine You & Me” na unang tambalan ng love team nina Maine at Alden sa big screen na dinirek naman ni Michael Tuviera na scheduled to be shown on July 13 (with a premiere night on July 12).

Based on the trailer, may chemistry ang dalawa on screen, samahan mo pa ng napaka-romantic na mga eksena nila with Lake Como in Italy as the location of the film.

Now, sino’ng may sabi na sina Maine at Alden ay hindi totoo sa isa’t isa? Sino’ng may say na ang lahat ng nakikita ng publiko sa kanila on television ay isang palabas lang?

Kung sila nga talaga sa totohanan, e ‘di happy. Pero kung hindi man, oks na rin dahil napapangiti ako ng mga eksena nilang dalawa sa trailer pa lang.

Ang pelikula na kinatatampukan din ng dalawang komedyante na sina Cai Cortez and Kakai Bautista at ang pretty girl na si Jasmine Curtis-Smith ay regalo of sort na rin nina Main at Alden sa kanilang mga supporters, kung saan magse-celebrate sila ng kanilang 1st anniversary on July 16.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING