Alden Richards, mahirap mapantayan ang tinatamasang kasikatan

ADVERTISING

Alden Richards, mahirap mapantayan ang tinatamasang kasikatan

Alden Richards, mahirap mapantayan ang tinatamasang kasikatanHindi naman na talaga mawawala ang mga maninira dahil sa sobrang inggit sa kasikatan na nangyari kay Alden Richards. Kasi nga, mahirap mapantayan sa ngayon kung gaano siya ka-popular. Kahit siya mismo ay hindi pa rin makapaniwala na mararating niya ang mga kaganapang ito, dahil bago siya pumatok sa kalyeseye ng “Eat Bulaga”, matagal na rin siyang tengga sa GMA 7, dahil hindi talaga nagtuluy-tuloy ang kanyang kaabalahan bilang Kapuso actor.

Puwedeng sabihin na medyo pinagsasawaan na ang kalyeserye, pero si Alden Richards bilang matinee idol ay sobrang kinasasabikan pa rin. Kakaiba kasi ang kanyang mass appeal. Pero kailangan na rin niyang magsiguro sa kanyang career. Kinabog ng pelikula ni Vice Ganda ang movie nila nina Ai Ai delas Alas, Vic Sotto, at Maine Mendoza sa katatapos na Metro Manila Film Festival. Ibig sabihin, konti lang din ang hatak ng ALDUB samantalang sila na raw ang pinakasikat na loveteam, huh?

Hindi pa tapos ang laban. May kailangan pa ring patunayan ang ALDUB loveteam sa tambalang Daniel Padilla-Kathryn Bernardo, Liza Soberano-Enrique Gil, at Nadine Lustre-James Reid. Kailangan pa ng ALDUB na makagawa ng dalawang pelikula o isang teleserye na tambalan nila ang bida para kung humatak iyon sa mga manonood ay masabi talaga na palaban nga at hindi kayang itumba ang kasikatan ng ALDUB.

 

ADVERTISING

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING