Alden Richards, mabentang-mabenta ang bio-book

ADVERTISING

Alden Richards, mabentang-mabenta ang bio-book

Alden Richard's Book Cover
Alden Richard’s Book Cover

Labas na sa piling-piling bookstores ang libro ni Alden Richards na may titulong “Alden Richards, In My Own Words” na nagkakahalaga ng P250.
Isa nga raw ang librong ito sa pinagtutuunan ng atensiyon ni Alden Richards sa ngayon at sa ipinost na pic ni Alden sa Twitter, makikita na may full page photo nila ni Maine Mendoza sa nasabing libro. So, malamang, may isang chapter na dedicated kay Meng.
Kasama rito ang “I’m A Dog Person” na may kuha siya with his pet dog, “Anatomy of Alden”, “Then I Started Going For Bigger Things”, at iba pa.
Maraming personal revelations si Alden sa nasabing libro at mas makikilala pa siya ng publiko sa mga mababasa rito mula nu’ng magsimu­la siya sa showbiz at iba patungkol sa buhay ni Alden in and out showbiz.
Meron ding chapter na panay personal testimonials ng pamilya at malalapit na kaibigan ni Alden sa loob at labas ng showbiz. Matutuwa ang fans kung kasama si Maine sa nagbigay ng testimonial.
At dahil maraming interesado sa buhay ng “Pambansang Bae”, mabentang-mabenta ito at suportado ng AlDub Nation.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING