Alden Richards, ‘love’ na ang tawag kay Maine Mendoza

ADVERTISING

Alden Richards, ‘love’ na ang tawag kay Maine Mendoza

Maine Mendoza and alden richards Courtesy of Aldub Fanatics Facebook
Maine Mendoza and alden richards Courtesy of Aldub Fanatics Facebook

Super galante pala talaga si Alden Richards, dahil ito ang gumastos ng kanilang Boracay trip ni Maine Mendoza na part ng kanyang birthday gift sa ka-love team.
Kinuntsaba raw ni Alden Richards ang mga taga-Modess para sabihin kay Maine na may event sila sa Boracay, pero ang totoo ay wala naman para maging surprise kay Maine ang mga nangyayari.
May mga insidente nga raw na ‘love’ na ang tawag ni Alden kay Maine sa Bora na naririnig ng mga tao sa kanilang paligid.
Super sweet nga raw ang nga ito habang namamasyal sa Boracay at ‘di alintana ang mga taong nakamasid sa kanilang ka-sweet-an sa isa’t isa. Kaya naman hindi raw maiwasang kiligin sa dalawa ang mga taong naroroon.
Sulit nga raw at super nag-enjoy ang dalawa sa kanilang bakasyon sa Boracay at makikita naman ito sa kanilang mga larawan na ipinost sa Instagram.
Tuwang-tuwa nga ang AlDub Nation, dahil mukha raw magkakatotoo na ang kanilang wish na maging mag-BF/GF na sa totoong buhay sina Alden at Maine at hindi lang pang-telebisyon o pelikula.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING