Alden Richards, liligawan si Kylie Padilla kung papayag si Robin Padilla

ADVERTISING

Alden Richards, liligawan si Kylie Padilla kung papayag si Robin Padilla

Alden-RichardsEXCITED SI Alden Richards sa bagong project niya. Isa itong docu-drama series na na ipu-produce ng GMA News & Public Affairs.

“Tungkol ito sa isang national hero na hindi ko pa puwedeng sabihin kung sinong bayani ang ipu-portray ko,” aniya.

“Challenging ‘yong role. Pinaghahandaan ko na ito at talagang aaralin kong mabuti ‘yong character. Sa GMA NewsTV 11 ito ipalalabas.  Parang gaya no’ng Katipunan at Bayan Ko na produced din ng Public Affairs ng GMA.”

May idea na siya kung sinu-sinong mga artista ang makakasama niya?

ADVERTISING

“Base sa narinig ko, si Solenn Heusaff at saka si Kylie Padilla. Tapos naghahanap sila ng isa pa dahil tatlo ang magiging leading ladies ko.”

Tinatapos din daw niyang i-shoot ang pelikulang Cain at Abel kung saan dalawa silang bida ni Aljur Abrenica. Kaibigan niya si Aljur. Tapos magiging leading lady niya sa isang docu-drama series ang ex-girlfriend nitong si Kylie.

“Wala namang kaso ‘yon. Kasi trabaho lang naman ‘yong sa amin. Hiwalay naman iyon sa personal, ‘di ba?”

Pero silang single ni Kylie. Paano kung sila naman ang sunod na ma-link?

“Naku!” nangiti si Alden. “Hindi ko po alam. Hindi ko naman po naiisip na possible ‘yon. Kaya… ewan ko.”

Good shot naman siya marahil sa ama ni Kylie na si Robin Padilla. Nagkasama sila last year sa pelikulang 10,000 Hours at medyo naging close naman na sila.

“Mabait po talaga si Kuya Binoe. Pero… ewan ko po kung payag siya,” na ma-link siya kay Kylie ang ibig sabihin ni Alden.

“Basta po ako, I’m looking forward sa pagsasama namin sa trabaho nina Kylie at Solenn. Excited na ako na magsimula ang taping naming.”

Ang kanyang dating ka-loveteam na si Louise delos Reyes, lately ay natsitsimis na buntis. At si Aljur daw ang ama ng dinadala nito?

“Wala pa akong alam. Ngayon ko lang po narinig ang tungkol diyan. Sana hindi totoo. And… hindi naman po ako naniniwalang totoo ‘yon. Kasi si Louise, close kami at open siya sa akin tungkol sa mga personal niya.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING