Alden Richards, kinawawa ng kanyang stylist!

ADVERTISING

Alden Richards, kinawawa ng kanyang stylist!

Alden Richards, kinawawa ng kanyang stylist!
Alden Richards

HINDI AKO SANG-AYON sa depensa ng kampo ng fashion stylist ni Alden Richards sa nakaraang Mega Millennial Ball, na isa sa pinaka-fabulous event sa yearly pakulo ng sosyaling Mega Magazine na ganun lang ang bihis ng guwapong aktor na ang suot ay parang hindi pinag-isipan at pinaghandaan habang ang lahat ng mga artista ay umawra at umeksena sa suot nila.

 
Very off ang outfit ni Alden na pakiwari koý pumunta lang ng mall para kumain ng siopao at chicken mami with matching dessert na mais con yelo at dumaan lang sa City of Dreams para magparamdam.
 
Nang kumalat sa social media ang nangyari at nakita ko ang sout ng binata, agad I contacted his stylist na si Johnny Badiola thinking na siya ang salarin ng suot ni Alden sa naturang event na lahat ay nakapostura at naghanda.
 
Text message sa amin ni Johhny: “Hindi ako. Iba ang nagbihis sa kanya. I heard marami nga daw ang hindi nagustuhan ang suot niya,” message niya sa amin.
 
Ayon kay Johnny, ang grupo nila ang in-charge sa pagbibihis kay Alden sa noontime show na Eat Bulaga. Iba’t ibang stylist ang nag-aalaga sa pananamit ng binata.
 
“Kami ang in-charge sa EB. For other events, endorsements ay may iba rin. Even sa soap (teleserye) ay iba rin ang stylist niya,” text message sa amin ni Johnny.
 
Sa naglalabasan ngayong istorya sa pagwawalang bahala sa isinuot ni Alden sa naturang event ay nagalit ang personal manager niya na ang balita nga ay tinanggal na ang stylist na siyang salarin.
 
Si Alden na tuwing nakikita ko ang mga pictures na palaging bihis at naghahanda ay naloka ako!
 
May binabagayan ang suot na damit sa bawat okasyon. Hindi ordinaryong tao lang ang binata na basta-basta na lang babalahurain. Artista yan. Prime artist yan ng GMA Kapuso Network!

ADVERTISING

Sige, kayo na nagmagaling at nagmaldita na ipinagtatanggol pa ang saliwang punto de bista ng nagbihis kay Alden sa naturang event. Sa lamay ng patay, magsuot ka ng kulay pula or di kayaý sa isang formal dinner na required ang “black tie” ay suot mo t-shirt lang at naka-short ay tunay na agaw pansin ka nga!

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING