Alden Richards & Julie Anne San Jose: Love is like a Tidal Wave

ADVERTISING

Julie-Ann-San-Jose-Alden-RichardsALDEN RICHARDS
Real Name: Richard Reyes Faulkerson, Jr.
Birthdate: January 2, 1992
Zodiac Sign: Capricorn

JULIE ANNE SAN JOSE
Real Name: Julie Anne Penaflorida San Jose
Birthdate: May 14, 1994
Zodiac Sign: Taurus
AFTER THREE years or so, muli nang nanumbalik ang ‘friendship’ nina Alden Richards at Julie Anne San Jose. Kung hindi kayo updated, matagal nang may ‘silent treatment’ sa pagitan ng dalawa na hindi namin alam kung ano ang dahilan. Marami nga ang na-surprise dahil noong mga panahon na ‘yon ay hibang pa ang fans sa JuliElmo loveteam (na proven na onscreen lang) at si Alden naman ay pilit na nili-link kay Louise delos Reyes, na in real-life ay very much committed kay Enzo Pineda, na ex-bf na rin niya ngayon.

So does this mean na tahimik lang ang relasyon nina Alden at Julie Anne? Was there a bad break-up?

Hindi namin masasagot ‘yan for now, but we’re happy because our two favorite Kapuso stars are now civil towards each other. Wala rin naman silang choice dahil sila ang iilan sa very lucky chosen few na pasok sa Sunday PinaSaya. Mag-iinarte pa ba?

Alam namin na mas maraming #AlDub fans nowadays, pero gusto muna naming malaman kung love is lovelier the second time around nga ba sa pagitan nina Alden at Julie Anne! Game ka na ba?

ADVERTISING

Parehong praktikal sa buhay ang Capricorn at Taurus. Seryoso sila pagdating sa phisolophical at spiritual life. Dahil parehong seryoso, paminsan-minsan ay nakalilimutan nilang mag-enjoy. Ang love match na ito ay dumidepende sa pagtitiwala at sa pagiging consistent. Walang magiging problema pagdating sa usaping pera dahil maingat sila rito.

Ang pagiging calm and ambitious ng Capricorn ang magpapa-ibig sa Taurus. Maa-attract naman ang Capricorn sa pagiging determined at mapagmahal sa pamilya ng Taurus. Wala ring bahid ng insecurities kung sino man sa kanila ang mas nakaaangat pagdating sa career. Ano nga ang problema talaga kung sakali? ‘Yung balance lang ng work and play. Malaki kasi ang tsansa na puro sila work, work, work eh! I guess that explains why matagal-tagal ding pareho silang may mga naka-loveteam na, pero never talagang na in-love. Diva?!

Perfect soulmate ng Taurus woman and Capricorn man. With same personality traits, very minimal lang ang kanilang incompatibility at hindi talaga ito big deal. Love it’s like a Tidal Wave nga naman!

PinaSaya ba kayo ng aming love findings? Sana huwag kaming i-bash ng #AlDub fans dahil iba naman ang onscreen sa offscreen! Don’t worry, pagbibigyan din namin kayo… sa takdang panahon.

For now, let’s wish the best for Alden and Julie Anne’s second wave at love and friendship!

Pares-Pares

By Madam DaminAlden Richards & Julie Anne San Jose: Love is like a Tidal Wave

ADVERTISING