Alden Richards, itinangging nagkita na sila ni Yaya Dub

Alden Richards, itinangging nagkita na sila ni Yaya Dub

Alden-RichardsMAARIING PINABULAANAN ni Alden Richards na scripted ang hindi nila pagkikita ni Maine Mendoza aka Yaya Dub. Ni minsan daw, simula nang pumasok siya sa Eat Bulaga, wala pang insidenteng nagtagpo ang kanilang mga landas.
“Tito John, hindi po scripted ‘yung hindi pa namin pagkikita ni Maine, katulad ng napanonood nila sa Eat… Bulaga! Sa TV lang talaga kami nagkikita. Ni minsan, hindi pa nagku-krus ang landas namin simula nang pumasok ako sa Eat… Bulaga! Lagi akong nasa studio, at siya naman nasa labas, kaya wala talagang chance na magkita kami.”
Happy nga raw si Alden sa kasikatan ng Aldub, at pruweba nga rito ang 3.5 million tweets noong Sabado para sa hashtag na #AldubMaiDenHeaven at ang isang show ni Alden sa isang mall na libu-libong tao ang pumunta, na according sa nasabing mall ay ang pinakamarami at dinagsang mall show sa kanila since nag-open ito.

John’s Point
by John Fontanilla