Alden Richards, isang linggo nang ‘di umuuwi sa kanilang bahay

ADVERTISING

Alden Richards, isang linggo nang ‘di umuuwi sa kanilang bahay

Alden-RichardsINAMIN NI Alden Richards na hindi siya ang first choice para gumanap na Jose Rizal sa bayani serye na Ilustrado na magsisimula nang umere sa Lunes, October 20 sa GMA 7.

ADVERTISING

Busy raw kasi ang mga kinukunsidera sa role na sina Dingdong Dantes at Dennis Trillo kaya sa kanya napunta ang role.

Makaroromansa niya sa serye sina Kylie Padilla sa role na Leonora Rivera at Solenn na kapwa naging girlfriend ni Rizal. Mas mapangahas daw ang eksena nila ng huli dahil may laplapan at lampungan sila sa istorya.

“Wala ngang kaarte-arte si Solenn sa eksena naming ‘yon,” say ni Alden.

ADVERTISING

Samantalang sobrang na-touch si Alden sa mga post ng kanyang ama sa Facebook na nami-miss na siya nito. May post kasi ang kanyang ama na isang linggo na raw itong hindi umuuwi sa kanilang bahay sa Laguna dahil sa magkakasunod na trabaho. Nami-miss na raw niya ang kanyang malambing na anak.

Bukod kasi sa serye, may taping din si Alden ng Bet ng Bayan at shooting ng Abel at Cain. Aminado naman din si Alden na miss na rin niya ang kanyang ama at mga kapatid na nakakausap lang niya via Skype.

“Para tuloy akong nasa ibang bansa. Nandito lang ako sa Pilipinas pero parang ang layu-layo ko sa pamilya ko,” emote ni Alden. Pero ito ang sakripisyo na sinasabi ni Daddy sa akin. Ito ang kapalit ng magagandang nangyayari sa akin ngayon.”

Hindi makalilimutan ni Alden ang mga pangaral sa kanyang ng ama at ina na ang sikreto ng magandang buhay ay ang maayos na pakikitungo sa mga kasama sa trabaho. Kung maganda raw kasi ang ipinapakita mo, maganda rin ang balik sa’yo.

“Tsaka panay ang dasal ko na maging maayos ang trabaho natin. Hindi ko naman magagawa ito kung walang guidance ni Lord,” pagtatapos ni Alden.

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING