Alden Richards, iniiwasan na ng mga artistang babae sa Siyete

Alden Richards, iniiwasan na ng mga artistang babae sa Siyete

Alden-RichardsDUMARAMI NA ang mga artistang babae na dumidistansiya na makasama si Alden Richard dahil sa biglang pagsikat ng tandem nito kay Yaya Dub (Maine Mendoza) ng Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Sinasabi nga na dapat nang dumistansiya sina Julie Anne San Jose at Kris Bernal sa actor. Dahil nga sa isang episode ng Sunday TV show ng GMA 7 ay magkasama sina Alden at Julie Ann, muli na namang nakatikim ng pamba-bash ang huli mula sa AlDub fans. At ganoon din ang dinanas ni Kris Bernal na nag-post lang ng picture na kasama si Alden sa Naga ay nakatikim na ng matinding batikos at lait.

Bukod kina Julie Anne at Kris, marami nang nakararating sa amin na kilalang artistang babae ng GMA 7 na tumatanggi nang makasama man lang kahit sa picture si Alden sa takot ng mga ito na sila naman ang makatikim ng panlalait at batikos mula sa AlDub fans.

Sa ngayon, hindi na nga matatawaran ang tinatamasang kasikatan ng tandem nina Alden at Yaya Dub. Sana lang maintindihan ng AlDub fans na trabaho lang ng actor kung may iba itong artistang babae na makasama.

Hindi naman kaya, itong mga nanglalait at namba-bash ng mga artistang babae na nakasama ni Alden ay hindi naman talagang AlDub fans? Pinakiusapan na kasi ni Alden ang kanilang fans na unawain ang kanyang kalagayan bilang actor. Huwag manlalait ng kapwa niya artista.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo