Alden Richards, inaabangan na ng fans ang bagong album

ADVERTISING

Alden Richards, inaabangan na ng fans ang bagong album

Alden Richards
Alden Richards

Malakas ang dating sa Pinoy music lovers ng pinakabagong awitin ng Pambansang Bae na si Alden Richards, ang “Rescue Me”, na una naming napakinggan sa DZBB 594 Walang Siesta radio program ng Badingdings na sina Tutie, Mega Ohlala, at Jana Chuchu.

Ang nasabing awitin ay composed ni Agat Obar-Morallos na siya ring sumulat ng kanta ni Alden na “Wish I May” pati na ng hit themesong na “Maybe It’s You” na gina­mit pa sa Koreanovelang “My Name Is Kim Sam Soon” na ipina­labas sa Kapuso Network.

Ngayon pa lang, marami-rami na nga ang nag-aabang na mga tagahanga ni Alden, lalung-lalo na ang AlDub Nation na gustong bumili ng bagong album ni Alden, kung saan kasama ang “Rescue Me”.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING