Alden Richards, in love na kay Maine Mendoza?

ADVERTISING

Alden Richards, in love na kay Maine Mendoza?

Alden-RichardsIN OUR September 2 column, naisulat namin ang item tungkol sa gut feel ni Joey de Leon na, “Pakiramdam ko, sina Alden (Richards) at Yaya Dub ang magkakatuluyan sa tunay na buhay.”

ADVERTISING

In Startalk’s farewell episode last Saturday, JDL finally spilled the beans.

In an engaging banter with his fellow outgoing hosts, sinabi ni JDL na, “Alam n’yo, tapos na ang Eat Bulaga nu’ng Saturday. Papunta na ‘ko rito sa Startalk nu’ng lapitan ako ni Alden sa parking lot (ng Broadway Centrum).”

Aminadong clueless si Tito Joey sa paglapit ni Alden hanggang, “Niyakap niya ‘ko, sabay may ibinulong. ‘Eto ang pagkakarinig ko sa ibinulong ni Alden, ha? ‘Tito Joey, iba na po yata ang nararamdaman ko para kay Maine (Mendoza a.k.a. Yaya Dub).’ Again, ‘yun ang intindi ko sa sinabi ni Alden sa akin.”

ADVERTISING

Sa mga sumusubaybay sa kalyeserye ng AlDub, ang latest ay nagtagpo silang muli pero kapwa may piring sila sa mata. Both were separately abducted.

Umalingawngaw ang kilig moments nang tanggalin nila ang blindfold at nagtama ang mga tingin sakay ng magkaibang van.

Sa firsthand account na ibinahagi ni Tito Joey, alam na natin ang mga susunod na mangyayari—this time around—sa tunay na buhay.

 

ANOTHER RIOT na eksena pa rin sa Eat Bulaga, off-camera nga lang.

Ang segment doon na Bulaga Pa More nitong Sabado had Arnell Ignacio as the winner na tumalo kay Tina Paner.

Ang naturang segment ay hindi lang pahusayan sa larangan ng pagkanta, kundi sa iba’t ibang aspeto ng pagpapakita ng talento.

Of course, Tina was a welcome sight on TV makaraang manatili nang matagal na panahon sa Spain. Whether the former That’s Entertainment member is here to reestablish her career ay hindi namin alam.

Pero isa lang ang tiyak, mula noon hanggang ngayon ay stage mother pa rin si Tita Dai.

Segue sa “split screen” ni Tita Daisy with reporter-friend Richard Pinlac sa kabilang linya ng telepono:

Nang ideklara na kasing panalo si Arnell—at hindi nga pinalad si Tina—galit na tumawag daw ang dating Sampaguita star kay Richard, “’Day, imagine, natalo si Tina?!” bungad ng nagpupuyos sa galit na si Tita Dai.

“Kung si Lea Salonga ang tumalo kay Tina, matatanggap ko pa. International star si Lea, nakapag-perform na sa Broadway. Pero ang tumalo kay Tina, eh, isang bakla! Ano bang criteria ang ginamit ng mga judges, ‘Day?!”

Kaso, hindi naman kasali si Lea sa naturang kontes.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING