Alden Richards, hindi click ‘pag walang Maine Mendoza

ADVERTISING

Alden Richards, hindi click ‘pag walang Maine Mendoza

Alden Richards, hindi click ‘pag walang Maine Mendoza Keri na ba talaga ni Alden Richards na magdala ng isang show without Maine Mendoza?

Mas sumikad kasi ang pangalan at popularidad ng binata nang madikit ang pangalan niya sa Dubmash Queen nang mabuo ng tambalan nilang AlDub sa telebisyon.

Ang tagal na rin kasi ni Alden sa showbiz, na mula sa kanyang sinimulang career na pasali-sali sa mga “bikini” contest sa Laguna, nasuwertehan at ngayon, masasabing isa siya sa mga frontliner ng Kapuso Network bilang lead stars nila.

Pero sa recent cancelled show ng binata last Februay 20 sa Philippine Arena (na mapangahas talaga), kung anu-anong alibi ang mga naglalabasan just to cover up the negative effect ng sinasabing wala pa 80 tickets ang naibenta ng producer.

ADVERTISING

Sa recent show niya sa Middle East, another flopped show na naman ang nilikha ng binata.

Sabi, dahil wala raw kasi si Maine, asahan na mangingitlog ang mga shows ng binata.

Ngayon heto’t another attempt to “resurrect” ang pagka-flopped ng sunud-sunod niyang shows, maibabangon kaya ng bagong concert ng binata sa darating na March 18 sa Ynarez Center sa Antipolo na susundan ng isa pang show sa Biñan, Laguna ang stigma na dala-dala ng binata lalo pa’t sa mga susunod niyang concert, it’s only Alden minus Maine ang magdadala ng concert, with sampu-samperang talents from comedy bars ang susuporta sa kanya?

Tuloy, komentaryo ng isang showbiz insider, Alden Richards is nobody kung walang Maine, kung ang basehan ng mga karaketan ng binata ay siya lang as Alden, at ang nakasasawa na niyang dimples.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING