Alden Richards, hinalikan sa kamay si Maine Mendoza

Maine Mendoza and Alden Richards from Eat Bulaga Facebook Page
Maine Mendoza and Alden Richards from Eat Bulaga Facebook Page

Maraming kinilig nang halikan sa kamay ni Pambansang Bae Alden Richards ang kanyang ka-love team na si Maine Mendoza sa mismong kaarawan ng huli noong March 3, sa “Eat Bulaga!”.

May pahintulot naman daw si Alden Richards mula kay Lola Nidora na halikan si Maine Mendoza sa kanyang kaarawan bilang respeto at pagmamahal sa dalaga. Kaya naman sobrang saya ng mga tagahanga ng Phenomenal Loveteam, lalung-lalo na ang AlDubNation around the globe.

Isang photo album naman na naglalaman ng mga larawan ni Maine ang naging regalo ni Alden kay Maine na labis namang ikinatuwa ng dalaga.

Marami ngang mga tagahanga ng dalawa ang umaasang magkatuluyan na sina Alden at Maine sa totoong buhay at hindi lang sa telebisyon o pelikula.

Jameson-BlakeHashtag member Jameson Blake, future matinee idol

 

MALAKI ANG potential na sumikat at makilala sa showbiz ng isa sa “It’s Showtime” regular cast na miyembro ng celebrity dance group na Hashtag, at ito ang PBB 737 alumni na si Jameson Blake na future matinee idol ng Kapamilya Network.

Taglay kasi ni Jameson ang kaguwapuhan at galing sa pagsayaw at pag-arte. Dagdag pa rito ang pagiging mabait at magiliw sa kanyang mga tagahanga at supporters na plus factor sa binata.

Kuwento nga ng isa sa malapit nitong kaibigan at parang kuya sa showbiz na si Prince Jade Ondong, “‘Yan po (Jameson) ang kapatid ko na tumutulong sa ‘kin at sumasama rin ako sa kanya sa mga shows niya. Sobrang bait n’yan sa akin at sa mga taong sumusuporta sa kanya.”

Kaya naman sa taglay na kabaitan, talento, at kaguwapuhan ay hindi nga malabong makamit ni Jameson ang pinapangarap nitong kasikatan.

Bukod sa pagiging regular mainstay sa “It’s Showtime” ay part-time commercial model din si Jameson na ang ilan sa pinagbidahan nitong TVC ay ang Bingo at Coke.

Mister-Philippines- 2016Mister Philippines 2016, may screening sa Nueva Ecija sa March 13

AFTER MANILA, Batangas City, at Urdaneta City (Pangasinan), magkakaroon naman ng malawakang screening sa March 13 (1 to 6pm) sa Crystal Waves Hotel & Resort sa Talavera (Nueva Ecija) ang Mister Philippines 2016.

Kaya naman sa mga interasadong sumali, kailangang 18 to 31 years old, at least 5 feet and 9 inches tall, with pleasing personality, at Filipino Citizen. Magdala lamang ng original and photo copies of their birth certificate authenticated by the National Statistics Office, Philippine passport, hard and soft copies of their set cards, and swimwear. They must also come in white shirt and jeans/pants. Interested parties may call 0916.500.7455 or e-mail [email protected] para sa ibang detalye.

Ang Coronation Night ng Mister Philippines 2016 ay magaganap sa April 14, 2016 sa Tanghalang Pasigueño, City Hall Complex, Barangay San Nicolas, Pasig City.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleJane Oineza, lumabas ang pagiging sinungaling
Next articleAlden Richards, nabangga ang kotse

No posts to display