Alden Richards, gustong tularan ang idolong si John Lloyd Cruz

ADVERTISING

Alden Richards, gustong tularan ang idolong si John Lloyd Cruz

Alden Richards, gustong tularan ang idolong si John Lloyd Cruz

ADVERTISING

ISA SI Alden Richards sa mga teen stars ng GMA na mabilis na-kilala ng publiko. Bukod sa angkin nitong kaguwapuhan, mabait pa ito sa mga press. Nang minsan namin siyang nakasalubong sa isang event, palaging naka-smile itong si Alden at hindi mo makitaan nang pagiging snub.

Nang humingi kami ng isang panayam, wala itong kagatul-gatol na nagpaunlak. Hindi katulad ng isang produkto ng Starstruck na natiyempuhan din namin sa event at nang magtangka kaming mag-interview, tinawag nito ang handler upang alamin sa amin ang mga katanungan. Bigla naming sinabi sa handler na hindi na kami mag-interview sa kanyang alaga, kasi baka hindi rin namin mailabas dahil wala namang dapat pag-usapan sa kanya. Ayun, presto at magpapa-interview na raw. Hay naku, ‘di rin naman siya sumikat, ‘noh.

Back to Alden, Masaya siyang kahit papa’no ay nagkaroon na siya ng fan base. Sobrang masaya raw siya sa ngayon dahil kahit papa’no ay nakatulong na rin siya sa kanyang pamilya, lalo na pagdating sa pinansiyal na bagay.

ADVERTISING

Dagdag pa niya, “Sana maging magaling na actor po at sa mga iniidolo kong artista, sana masundan ko po ang yapak nila.”

Dalawa raw sa mga iniidolo niya ay sina Christopher de Leon at John Lloyd Cruz. Aniya, “Sana, maabot ko ‘yung naabot nila. Para magawa ko ‘yun, pagbubutihan ko talaga ang aking trabaho.”

How nice of Alden naman, di katulad ng iba riyan. Naku, ha?! chubbyness na siya ngayon at laging pawisan. ‘Yun ang clue ko!!!

 

ISA KAMI sa personal na sumalubong sa Superstar na si Nora Aunor sa airport noong nakaraang Martes. Galing ang grupo ni Ate Guy sa 13 days shooting ng pelikulang Thy Womb – 11 days dito ay sa Bonggao, Tawi-Tawi at 2 days naman sa Oslob, Cebu.

Bungad ni Ate Guy sa amin at sa iba pang media ay ang kasayahang nadarama niya sa mainit na pagtanggap, pag-alaga sa kanya at sa kanilang grupo ng mga taga Tawi-Tawi at sa Vice Governor ng lalawigan. Wala raw silang kabang nadarama habang ginagawa ang pelikula kaya raw maayos nilang natapos ang kabuuan ng principal photography roon.

Ito ang magsisilbing comeback movie ni Ate Guy matapos siyang bumalik sa bansa upang ipagpatuloy ang kanyang maningning pa ring bituin sa showbiz. Hindi pa raw alam nina Ate Guy kung dito ba sa bansa unang mapapanood ang pelikula o mauuna muna itong i-showcase sa iba’t ibang film festivals abroad. Isa lang daw ang natitiyak ng Superstar, sobrang ganda ng pelikula. Very proud kami sa inyo Ate Guy at sa director nitong si Direk Brillante Mendoza.

Bravo!!!

 

MASAYANG IBINALITA ni Pokwang na sobra siyang natuwa sa pagpapahalaga ng Regal Entertainment sa kanya. Imagine, binigyan siya ni Mother Lily ng solo presscon para sa movie nilang The Mommy Returns, noong Sabado. Puring-puri rin ni Powkie ang kanyang mga co-stars na sina Ruffa Gutierrez at Gabby Concepcion.

Pero ang pinaghihinayangan daw ni Pokwang ay ang bitin na halikan nila ni Gabby. Pabiro niyang sabi, “Direk, baka naman puwede maraming anggulo, para makiss-ko nang makiss si papa Gabby,” of course, joke lang niya ito.

Isa daw sa pinaka-memorable na eksena niya rito ay ang sampalan-sabunutan nila ni Ruffa habang naka-red gown ang beauty-queen turned actress-TV host.

Pang Mother’s day presentation ang pelikula na tiyak naming mag-eenjoy ang buong pamilya.

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING