Alden Richards, gustong maging pet ni Yaya Dub

ADVERTISING
Alden-Richards-Maine-Mendoza
photo courtesy of Eat Bulaga Facebook page

Muling pinakilig ng phenomenal loveteam na AlDub sa kalyeserye ng “Eat Bulaga” ang milyun-milyon nilang fans nang mag-celebrate sila ng kanilang 6th monthsary kaninang tanghali, January 16, sa naturang noontime show.

Nagkaroon ng isang fan con sina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza), kung saan nagkaroon ng pagkakataon na makapagtanong sa loveteam ang mga masuwerteng napiling fans.

Isa sa mga itinanong kay Alden Richards ay kung bibigyan niya ng pet si Maine, ano ang ibibigay niya? Sagot ni Alden, “Siyempre aso, kasi ako mahilig ako sa dogs at nakikita ko, we share the same interests. So, kung ano ‘yung special for her and I, ‘yun na lang ibibigay ko.”

“Okay na ako sa lamok,” pagbibiro ni Maine.

Hirit naman ni Alden, “Pero kung tatanggapin niya, e di ako na lang ang pet.”

ADVERTISING

Kung mabibigyan naman ng pagkakataon na ipagluluto ni Alden si Yaya Dub para sa birthday nito sa March 3, paella daw ang ihahanda niya.

“Ibibigay ko ‘yung pinaka-special na dish na palaging niluluto sa akin ng mom ko dati, paella. Kasi maraming sahog, pero ang nagpapa-especial is yung pagbibigay,” ani Alden.

Matagal naman bago nakasagot sina Alden at Yaya Dub nang tanungin kung nagse-celebrate din ba sila ng kanilang monthsary off-cam. Kaya sumingit na si Allan K, “Kung hindi n’yo masagot, subukan nating sumagot ‘yung mga lola!”

Sabi ni Lola Tinidora (Paolo Ballesteros), “‘Pag magkakasama kami, si Meng laging may ka-text.”

Na nauwi sa kantiyawan hanggang sa sabay na sumagot ang dalawa, “Te-text na lang po namin sa inyo. I-tweet na lang.”

Sa mga twitter questions naman, sabi ni Yaya Dub, Maine, “Ako ‘pag nakikita ko si Alden, ‘pag alam kong magkikita kami, masaya ako. ‘Yun lang, Na-e-excite ako,” sa tanong na kung ano ang feeling ‘pag nagkikita silang dalawa ni Alden.

Natanong naman si Alden kaugnay ng pag-post niya sa Instagram ng kanyang unang Dubsmash video, kung saan ni-lip sync niya ng kantang “Bahala Na” nina James Reid at Nadine Lustre.

“Honestly po, nagdu-dubsmash na rin ako before. So, naisip ko, ‘yun ‘yung unang dubsmash na tumatak sa akin. So, sabi ko, why not i-post ko rin, tutal kapag pinapakinggan ko siya, kinikilig din ako. So, pinost ko na,” paliwanag ni Alden.

Huling tinanong si Yaya Dub kung saan niya unang dadalhin si Alden ‘pag pumunta sila sa New York.

Sabi ni Yaya Dub, sa Central Park daw.”‘Yung isa kasi sa mga favorite kong movies, ‘yung Serendipity, dun siya shinoot. Eh, parang gano’n din, serendipity, happy accident.” Tinutukoy ni Yaya Dub kung paano nagtagpo ang landas nila ni Alden.

ADVERTISING