Alden Richards, gamit na gamit ng ilang kandidato

Alden Richards, gamit na gamit ng ilang kandidato

Alden Richards
Alden Richards

Nagtataka ang mga malalapit sa Pambansang Bae na si Alden Richards, dahil gamit na gamit ang litrato nito na halatang selfie o dinikit lang para magmukhang kasama ng ilang kandidato si Alden sa campaign tarpaulins nga mga ito.
May isa pang kandidatong babae na nilagyan ang kanyang tarpaulin ng ‘AlDubNation’ na ikinagulat ng nga miyembro ng nasbing fans group, dahil wala namang iniendorsong kandidato si Alden Richards.
Kaya naman daw pakiusap ng malalapit kay Alden, pati na rin ng AlDubNation na huwag gamitin ang Pambansang Bae sa pangangampanya, para lang makakuha ng boto at manalo.

John’s Point
by John Fontanilla