Alden Richards, excited na sa kanyang first major concert

ADVERTISING

Alden Richards, excited na sa kanyang first major concert

Alden Richards, excited na sa kanyang first major concertSobrang excited na ang Pambansang Bae na si Alden Richards sa kanyang nalalapit na concert entitled “AldenVasion”, ang magsisilbing first major concert niya produced by CCA Productions ni Mr. Joed Serrano.

Magaganap ang first major concert na ito ni Alden Richards sa March 18 (Friday) sa Ynares Center sa Antipolo City, kung saan magiging espesyal na panauhin nito ang Pambansang Baby na si Boobsie Wonderland , Kim Idol, Ate Reg, at Kapuso stars na sina Andrea Torres at Mike Tan.

Marami nga ang nag-aabang especially ang AlDub Nation kung magiging espesyal na panauhin ba ni Alden sa kanyang first major concert ang kanyang ka-love team na si Maine Mendoza.

At para sa iba pang detalye sa AldenVasion Concert at sa ticket details, ‘wag mag-atubiling tumawag sa Ticketnet sa 911-5555.

ADVERTISING

Christian-LaxamanaMr. Gay World Philippines 2016 Christian Laxamana, iisnabin din si Manny Pacquaio

 

“First, I will not vote for him, because I have the right!” Ito ang pahayag ni Mr. Gay World Philippines 2016 na si Christian Laxamana sa solo presscon nito na ginanap sa One 690 Club Roces Ave., QC kamakailan sa tumatakbong senador na si Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Dagdag pa ni Christian, nirerespeto niya ang naging pahayag ni Manny dahil karapatan nitong ipahayag  kung ano man ang nasa isipan niya. Pero sana raw, pag-isipan muna nitong maigi kung may masasaktan sa kanyang magiging pahayag.

Sa ngayon daw, very busy si Christian sa pagri-ready sa paglaban sa Mr. Gay World 2016 na gaganapin sa Malta sa March 23. Pipilitin daw nitong maiuwi ang korona para na rin sa bansa at para sa kanyang yumaong ina na namatay dahil sa breast cancer.

Aminado ito na malaki raw ang pressure ng kanyang paglaban ngayon, dahil sa sunud-sunod na panalo ng bansa sa iba’t ibang beauty pageants like Miss Universe, kaya naman daw lahat-lahat ay gagawin niya para mapansin sa Mr. Gay World 2016.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING