Alden Richards, dumidistansya sa problema nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica

ADVERTISING

Alden Richards, dumidistansya sa problema nina Kylie Padilla at Aljur Abrenica

Alden-RichardsSI KYLIE Padilla ang isa sa tatlong mgiging leading ladies ni Alden Richars para sa bagong drama series ng GMS News TV 11 na Ilustrado kung saan gaganap siya bilang si Jose Rizal. Bukod dito, tinatapos din ni Alden ngayon ang pelikulang Cain at Abel kung saan pareho silang bida ni Aljur Abrenica.

Maintriga pa rin ang situwasyon nina Aljur at Kylie dulot ng nangyaring break-up ng mga ito. Posible kaya na maging instrument si Alden para magkaayos ang dalawa?

“Ay… wala naman po akong blessing na mag-ayos ng gusot ng mga… o ‘yong conflicts po,” nangiting sagot ng Kapuso actor. “Pero, basta po ako, quiet lang naman po ako pagdating sa ganyan, e. Hindi po ako nakikialam. Kasi mahirap na pong may masabi. Mahirap nang masabihan ng nangingialam, hindi ka naman kasali.

“So, quiet na lang po ako. ‘Pag humingi na lang po ng tulong, willing po ako. Willing naman po ako na… parang hindi naman maging instrumeto kundi parang bridge para maayos lang ‘yong mga dapat na ayusin.”

ADVERTISING

Pero sa pagsasama nila ngayon ni Aljur sa pelikula, hindi ba siya nai-intimidate sa aktor? May mga nagsasabi kasi na maangas ito o parang ang yabang daw ng dating.

“Hindi naman po. Kasi hindi ko naman nakikita ‘yon sa kanya kapag nagsi-shooting kami. Kahit po kapag nandito kami sa Sunday All Stars. O ‘pag nagkikita kami sa labas. Ewan ko lang po kung bakit may nasasabing gano’n sa kanya. Pero hindi ko naman po nakikita iyon sa kanya.

“Okey naman po kami. We’re good friends. Ang first project po namin together ay ‘yong sa Magpakailanman na magkapatid po kami do’n. So, do’n ay nagkaroon kami ng konting bonding moment. Na parang ginamit din po ‘yon as preparation for the movie. Para maging adjusted kami sa company ng isa’t isa.

“God-fearing si Aljur. Sobra po. I mean, most of the time kapag nagkukuwentuhan kami, about religion. And about past experiences namin. At saka ‘yong kung ano ang tingin niya sa akin before. O ‘yong tingin ko rin sa kanya.”

Nakasasama rin niya si Kylie sa Sunday All Stars. So, madali na rin lang siguro para sa kanilang dalawa na makabuo ng magandang rapport o chemistry while working together.

“Yes po. Kasi nag-screen test po kami bago siya na-consider for the role. And nakit ko naman po, we did a few scenes na… medyo heavy. Na-pull off naman po. Nasiyahan naman po ‘yong director at producer po namin. So, wala rin naman pong ilang sa akin si Kylie, kasi matagal na kaming magkakilala.”

Sinasabing nasa stage of healing a broken heart si Kylie. Malamang kapag nagsimula na silang mag-taping ng Ilustrado, aalalay rin siya sa kung anumang pinagdaraanan ngayon ng aktres.

“Yes po. Pero siyempre nasa kanila rin po iyon kung bibigyan nila ako ng blessing na umalalay o anuman. Pero hindi po ako para gumawa ng first step para makialam. Kasi mahirap na po talaga, e.”

Si Julie Anne San Jose na minsan nang na-link sa kanya, may possibility pa kayang makapareha niya?

“Hindi naman po nawawala ‘yong possibility. Pero ako po kasi, focused on acting. Siguro po siya, focused naman sa singing. As a performer and as a singer. Pero kung sakaling magkakaroon ng project para sa aming dalawa, okey naman po sa akin. Wala naman pong problema.

“But… ‘yon nga po, now aside from Ilustrado, gagawa rin po ako ng isa pang show sa GMA na reality-based show. Na I’m gonna be one of the hosts po. Iikot po ako all over the Philippines to look for those talents. Hindi pa lang po puwedeng sabihin ang title. Bago na naman po para sa akin ito. Parang ito po ang fisrt show ko na gagawin na talagang… as host. Pure hosting.”

Si Regine Velasuez ang makakasama ni Alden sa talent search show na ito.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING