Alden Richards, dinedeadma ang pinagkakautangan ng loob

Alden Richards, dinedeadma ang pinagkakautangan ng loob

Alden-RichardsHindi imbento ang chika namin tungkol sa pag-block ni Alden Richards sa kanyang sa social media account ng guy na pinagkakautangan niya ng loob matapos siyang dalhin sa GMA 7.

Actually, surprised na surprised nga si Dudu Unay, ang discoverer ni Alden sa showbiz, dahil nalaman ang pandedeadma sa kanya ni Alden.

We were informed na before Dudu ay unang nag-manage kay Alden si Gilbert Belan, isang director ng male pageants sa Laguna. Then napunta siya kay Carlites de Guzman na assistant ni Gilbert, dahilan para mag-away ang dalawa.

Bago raw mag-18 si Alden Richards ay nagsabi raw itong pasikatin na siya ni Carlites kaya naman kinausap ng huli si Dudu para hanapan ng TV project. Nagkataon naman na may audition ang GMA 7 for a male lead sa Alakdana. Si Jeff Gamil na nagtatrabaho sa GMA ang nagsabi kay Dudu about the audition.

Sinabihan ni Dudu sina Alden at Carlites about the audition at sinamahan ito sa GMA. Nang mapili ay si Dudu pa ang naghatid ng first script ni Alden sa Sta. Rosa, Laguna. Inabutan pa nga raw siya ng P500 para pamasahe pauwi. Nagkasundo sina Dudu at Carlites na maging manager ni Alden. Naikuha pa ng endorsement si Alden ni Dudu, ang Urban Apparel kasama si Louise delos Reyes noon.

Ang nakakaloka, ni hindi pala nabigyan man lang ng komisyon si Dudu for his efforts. Tapos ay bigla na lang siyang nawalan ng kontak kay Alden. Then, in-unfriend siya nito sa Facebook.

Naloka kami nang malaman naming nag-react pala si Carlites sa aming nasulat earlier. Nag-PM ito kay Dudu at kung anu-ano ang sinabi nito. Kesyo may utang pa raw itong si Dudu sa kanila. Paanong nangyari ‘yon, eh, during that time ay hindi pa nga sikat si Alden.

Pero ang mas higit na nakakaloka, sinabi ni Carlites kay Dudu na agent lang nila ito sa pagpasok sa GMA 7.

Kung ikaw pala ang manager ni Alden, bakit kailangang si Dudu pa ang magpasok sa noo’y talunan sa StarStruck?

Sinasabing mong agent lang si Dudu, pero siya naman ang naging tulay ni Alden sa GMA 7?

Nakakaloka ka, ha?

Dapat isipin nitong si Alden na kung wala si Dudu ay wala rin siya sa GMA 7. Dapat tanawing malaking utang na loob ni Alden ‘yon, right?

Sa mga AlDogs na nagsasabing nag-iimbento lang kami, sorry na lang, pero mga mangmang kayo. Tigilan ninyo kami dahil hindi kami natatakot sa inyo.

Ayan, name names kami, ano ang mase-say ninyo? Imbento pa rin ba ang lahat ng ‘yan? Magsitigil nga kayo. Kundi pa kayo mga idiots, ‘no!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas