Alden Richards, ‘di raw totoong hinawakan ng nagsasabing dating manager

ADVERTISING

Alden Richards, ‘di raw totoong hinawakan ng nagsasabing dating manager

Alden Richards, ‘di raw totoong hinawakan ng nagsasabing dating managerAno raw ba ang gustong palabasin ng taong nagsasabi na siya raw ang tunay na manager ni Alden Richards? Bakit kailangan daw palipasin ang seven year bago sila maghabol sa actor?

“Ang tsismis ay ginagawa ng mga taong galit sa iyo. Kinakalat ng mga taong loko-loko at pinaniniwalaan ng mga taong makitid ang ulo,” ito ang mababasa sa Facebook Account ni Carlites de Guzman, talent manager ni Alden Richards.

May nagki-claim kasi na discoverer ni Alden Richards at sinasabing hindi si Carlites ang tunay na manager. Nagpapainterbyu pa ito sa mga press people. Isang malaking ilusyon ‘yun dahil 2009 ay naging Ginoong Sta.Rosa si Alden at naging Ginoong Laguna nung 2010. Si Carlites na ang manager niya. Si Carlites ay kilalang director ng mga pageant sa Laguna at humahawak din ng talents.
Sey ng katotong Roldan Castro, “Sa panahong ‘yan ay kilala na namin si Alden dahil isasalin niya ang title that time. Naging hurado kami ng Ginoong Sta. Rosa kasama si Kuya Boy Abunda at yumaong Bb. Pilipinas International na si Melody Gersbach.
“Sinabi pa sa amin ni Kuya Boy noon na gagawin niyang talent si Alden at tutulungan, na nangyari naman katuwang si Carlites.”
2010 ay sumali na sa Starstruck si Alden at si Carlites ang nagdala sa kanya. Hindi man pumasok na Final 14 si Alden ay kinuha siyang talent ng GMA Artist na si Arsi Baltazar pa ang namamahala.
Ang usapan noon ay co-manager si Carlites, pero nagpaubaya na siya nu’ng magkapirmahan ng kontrata na hindi siya isinali. Ang importante sa kanya ay sumikat at magka-career si Alden.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING
ADVERTISING